Wazzup Pilipinas!?
Ang ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฌ๐๐๐ ay ang pinakamataas na pagkilรกla na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.
Layunin nitรณ na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.
May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ring walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.
Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng sampung nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Javier Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wenilyn Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); Regina Starr, tesis sa musika at panitikan (2020); Roque Augustus L. Lamadrid, tesis sa araling kultural at Jonathan V. Geronimo, disertasyon sa araling kultural (2022).
Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilรกla ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.
๐๐๐๐๐๐๐๐:
1. Ang gawad ay bukรกs sa lahat ng mga estudyante, babae man o lalรกki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
2. Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasรก sa mga taรณng 2021 hanggang 2023.
3. Kinakailangan itong isulat bรญlang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larangan.
4. Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bรญlang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.
5. Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bรญlang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa. https://drive.google.com/.../1-jcq4DfZrFFq.../view
6. Para sa paglahok, kinakailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lรกmang ang pahihintulutang nakalimbag sa manuskrito.
7. Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasรกma ang sumusunod:
7.1 Apat (4) na kopya ng limbag na lahok (softbound o ring bind);
7.2 curriculum vitae ng may-akda;
7.3 pormularyo ng paglahok; https://docs.google.com/.../1KtYI9urHG1T1v6QXejz.../edit
7.4 notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
7.5 notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
7.6 rekomendasyon mula sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
7.7 rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
7.8 rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
7.9 dihital na kopya ng lahok na nรกsa isang universal serial bus (USB) drive.
8. Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:
๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฌ๐๐๐ ๐๐๐๐
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Maynila 1005
9. Ang hulรญng araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 18 Oktubre 2024, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lรกmang ng KWF ang mga lahok na naipadala bago o sa nabanggit na petsa.
10. Ang mga magwawagi sa kategorya ng tesis at disertasyon ay makatatanggap ng PHP100,000.00 (net), plake, at medalya. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.
11. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
12. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhรบling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
13. Ang mga dokumentong ipinadala ng mga lumahok, nanalo o hindi, ay hindi na ibabalik sa mga may-ari.
14. Pรกra sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.