Wazzup Pilipinas!?
Nasosobrahan na ko sa mga kudeta! Pero kailangan kong sumagot sa pahayag na ito ng Pangulo ng Senado tungkol sa RCEP:
"Maging ang pagkaantala sa pagpasa ng RCEP ay dahil sa kakulangan ng suporta na nakuha nito mula sa pangunahing sponsor mismo na siyang namumuno ng Committee on Foreign Relations," na tila pagtukoy sa akin.
Bago pa man naipadala ng Office of the President ang RCEP ratification package sa Senado noong Nobyembre 29, nagsagawa na ako ng pampublikong konsultasyon noong Setyembre para himukin ang DA, DTI, at BOC na tumugon sa mga isyung inaalala ng mga sektor ng agrikultura at MSME.
Ang ratification package ay isinangguni sa aking komite noong Disyembre 6 lang. Wala pang isang linggo, noong Disyembre 12, nagsagawa ako ng unang pormal na pagdinig. Muli, hindi tumugon ang mga kinauukulang departamento.
Humingi ako ng tulong kay Senate President Zubiri para kongkreto itong matugunan ng mga kaukukulang ahensya pero walang nangyari.
Kaya, agad kong sinabi sa pamunuan ng Senado na hindi ko mai-sponsoran ang panukala kung walang sapat na proteksyon sa mga magsasaka, mangingisda, at MSME, gayundin ang mga agresibong hakbang laban sa smuggling.
Maaaring nakaapekto ang pagbabago sa Executive Secretary kaya nahuli ang pagpapasa ng RCEP. Pero hindi nila pwedeng ipilit na ako ang dahilan ng pagkaantala ng pagpapasa nito.