Wazzup Pilipinas!?
Iniimbestigahan na ang naiulat na harassment ng isang indibidwal sa mga kababaihan sa bayan ng San Juan, ayon kay La Union Governor Rafy Ortega-David.
Sa isang official statement, sinabi ni Ortega-David na nakatanggap sya ng ulat ng mga babae na hina-harass ng isang partikular na indibidwal na hindi muna papangalanan dahil ito ay sumasailalim sa imbestigasyon. Ang modus operandi ay ang nasabing indibidwal ay kumukuha ng mga larawan at video ng mga kababaihan sa bayan ng San Juan at ini-upload online nang walang pahintulot.
Ipinahayag ng gobernadora na agad niyang tinawagan ang La Union Provincial Police Office at ang Municipality of San Juan Police Office para ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga paglabag sa Republic Act 11313 o The Safe Spaces Act, pagkatapos malaman niyang mismo ang tungkol sa mga insidenteng ito mula sa mga biktima at mga saksi.
Inatasan nya ang kapulisan na magsiyasat at tumugon sa napakaseryosong problemang ito.
“Allow me to speak to you in two personas: As your Governor and as a woman. As your Governor, I am sorry for your experience. Whether you are a local or a guest of La Union, you should be able to feel safe and not worry of any malicious intent nor doing. I am all about protecting and creating a safe space for all of you,” aniya.
“As a woman, it breaks my heart that we are still subject to misogyny in spite of the many movements, wake-up calls, and lessons that we’ve learned from those before us. I will forever commit to ensure that my position of influence is used for good, specifically to ensure that women’s rights will be upheld anytime, anywhere.”
Higit pa rito, hinimok ni Ortega-David ang lahat na agad na mag-ulat sa pinakamalapit na Philippine National Police station sa nasabing lugar kung may mangyari na mangangailangan ng tulong ng mga alagad ng batas.
Nangako rin siya na titiyakin na magkakaroon ng resolusyon ang nasabing insidente, na magkakaroon ng mabigat na parusa para sa mga lalabag at lumalabag sa batas, at ang La Union ay isang ligtas na lugar para sa lahat.
“Dios ti agngina, God Bless us all, and God Bless our fair La Union,” pagtatapos ni Ortega-David.