Wazzup Pilipinas!?
Sa ngayon, maraming paraan para sumikat. Pwede kang gumawa ng Youtube channel, sumayaw sa Tiktok o kumuha ng dalawang tray ng itlog sa community pantry.
Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa mga itinayong community pantry sa iba't ibang bayan na inspired by the Maginhawa Community Pantry organized by Ana Patricia Non.
Bukod sa mga gulay, de lata, frozen food, isda, may libre rin na mga condom at sanitary napkin akong nakita, pati free health services.
Pero biglang naging instant sikat ang grupo ng mga matatabang babae dahil sinimot ang laman ng isang Community Pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig.
Nakakasama ng loob kasi ang daming mas nangangailangan. The community pantry was to provide for our daily needs, not our monthly provision. Ano yun community grocery o supermarket? Kung may kailangan ka pa para sa susunod na araw, pwede ka namang bumalik at kumuha uli kinabukasan. Ang feeling yata ay mauubusan kaya nag-imbak ng para sa isang buwang supply.
Lalo na yung kumuha ng dalawang tray ng itlog. Ang palusot, ipapamigay daw niya sa kapitbahay niya. Lol.
Pero nagsumbong yung mga kapitbahay na sinolo niya ang lahat ng itlog.
Nakakahiya if your name is Maricar. Kababaeng tao at buntis pa naman. Nadagdagan na yung Taylor niyang anank na malamang ay hiyang-hiya sa ginawa Ng Ina nila.
Magkano ba ang isang tray ng itlog? Ipagpalafay nating pinakamalaking size na XL na may presyong P200 isang tray. Sa halagang P400 ay nasira reputasyon niya.
Ok na sana idea kaso parang naging abusado yung iba sa pagkuha ng sobra sa tunay na pangangailangan. Hindi ito distribution of relief goods na agawan ang kadalasang nangyayari. Hindi pwedeng hakot hanggang maubos dahil paano naman yung iba. Dapat ay binibigyan ninyo ng pagkakataong makakuha yung iba pa.
Ito yung problema sa ibang community pantry, meron pa rin talagang mga putanginang kupal at garapal na hindi yata nakakatikim ng itlog. Hindi ba sila nahihiya? Ang kakapal ng mukha.
Ewan pero mas natatawa ako doon sa tumangay ng isang tray ng itlog. May leche flan business yata si ate? Ang Alam ko ay Biko ang tinitinda niya. Mukhang nag level-up.
"Give only what you can, take only what you need" dapat. But that's not what's really happening. Abuso na yung karamihan, pumipila rin yung may kaya.
Ganoon kahirap isustain dahil it has lost its purpose and meaning.
Sana kung gaano tayo kagalit sa lumimas ng itlog sa isang community pantry ay ganoon rin kagalit sa mga lumilimas ng kaban ng bayan.
Dahil yung kumuha ng dalawang tray na itlog sa community pantry ay parang kurap na government officials - hindi hirap sa buhay pero nagagawa pa ring maging swapang.
Sana ibaling din natin ang ating galit sa totoong magnanakaw at berdugo na mapanlamang at huwag lang kay ate na kumuha ng dalawang tray ng itlog. Buntis daw kaya baka naglilihi.