Wazzup Pilipinas!
Hindi ba kapag ang rason mo ay nagkamali ka sa pagkakaintindi ay dahil mahina ang iyong comprehension or dahil may disability (PWD - either bingi yung nakarinig o ngongo yung nagsabi o malabo ang mata ng nakakita) ka?
Excused ka ba makasuhan kung may either one of those disabilities ka?
Paano mo mapapatunayan kung sinadya na hindi intindihin?
Paano kung ayaw aminin na hindi talaga naintindihan dahil sadyang kulang-kulang?
Teka, maka-comment muna sa latest issues para feeling involved, nakikibaka at may pakialam kahit hindi naman nalalaman ang lahat ng pangyayari.
Ewan ko ba kung bakit ang dami nating oras makipag-away sa social media at feeling natin ay mas matalino pa tayo sa mga binoto natin sa gobyerno.
Sana bigyan tayo ng pagkakataong maupo bilang isa sa kanila at baka magawan natin ng solusyon ang lahat ng problema ng Pilipinas.
Malay natin tayo na lang ang hinihintay ng Malacanang para maging kasabayan na tayo ng mga marangyang bansa sa mundo.
Siguraduhin lang natin na wala nga tayong disability dahil karamihan naman talaga sa mga nasa gobyerno ay nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan at malala pa sa ngongo dahil hindi natin naintindihan....at syempre marami ring kulang-kulang o walang laman ang bumbunan.
Wala namang aamin sa gobyerno ng kanilang incompetence o mistakes dahil that is like telling the world that their political career is over...and kapag malakas ka sa Presidente, abswelto ka kahit maraming palpak sa trabaho mo o may nagawa kang hindi karapat-dapat.
Also, if one does resign or step down, which is very rare, the Filipino people are quick to forgive and forget. Maghihintay lang ng ilang years at back in business na sila ulit.