Wazzup Pilipinas!
Sa speech ni Duterte kagabi, he was again at his element - no script and very empathic.
Dahil PATAYAN na naman ang usapan. Inorder nya ang pulis at militar ng shoot-to-kill sa lahat ng papalag sa gobyerno nya.
Pero kapag PAGLIGTAS NG BUHAY ang usapan, nanlulumo sya. Kailangan ng script, at nauutal pa. Hindi talaga sanay.
Sya nga pala, ang hinihintay nya palang solution ay may madevelop na vaccine ang mga mas advanced na bansa. Syempre, una ang CHINA sa billing.
Pero teka, di ba galit sya sa vaccine (Dengvaxia)?
Galit man sya o hindi, kailangan talaga bida ang CHINA.
Yan po ang Presidente nyo, PILIPINAS.
Kaya pa? Parang humihina na ang palakpakan, ha.
Duterte: Habang naghihintay tayo, andaming problema na pumuputok na. Hirap na nga tayo, and there are people... who try to mess up 'yung kokonti nating... ang ating supply hanggang dyan lang yan.
Duterte: We are trying na magkaroon ang lahat equally, pera saka pagkain. Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the Left. Kayong mga Left, you are not the government.
Duterte: Huwag ninyong subukan ang Pilipino. We are ready for you. Gulo o barilan o patayan. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you. Kapag kayo na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo.
Duterte: My orders are sa pulis at military, pati mga barangay. Na kapag may gulo, okasyon na lumaban at buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead.
Duterte: Huwag ninyong subukan ang gobyerno. Tinanggal ko sa politiko yung distribusyon ng pera at pagkain. Binigay ko kay Sec. Bautista. Ang DSWD may sariling distribution network 'yan.
Duterte: 'Yung goods, bigas, bilisan ninyo at pagkain 'yan. Mayroon tayong ginawang hakbang to sustain us but only if there is order. Kapag magulo, walang order, walang distribusyon na mangyari. Kaya mapipilitan akong sabihin na huwag ninyong gawin 'yan.
Duterte: Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo para smooth. Do not intimidate, challenge government. Matatalo kayo. Magtiis na lang kayo siguro ng delayed delivery pero dadating 'yan.
Duterte: I am ordering the pulis to go around... maghanap kayo ng taong bastos. Kung mahuli mo kung ano ang binubuhos niya sa health worker, ibuhos mo rin sa kanya para tabla.
Duterte: 'Yung frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.
Duterte: Kayong Kadamay, wala nang awa-awa. Ang nahuli, wala. Do not play hero at this time.
Duterte: Now is the time to set an example to everybody. Let this be a warning to all. Follow the government at this time because it is critical. Do not harm our doctors.