Wazzup Pilipinas!
Ikinatuwa ng Department of Transportation ang pag-usad ng proyektong “pedestrian bridge” na magdudugtong sa NAIA Terminal 3 at Newport City.
Sa pamamagitan ng tulay na ito, maari nang bumaba sa Newport City ang isang pasaherong may biyahe sa Terminal 3 at gamitin ang pedestrian bridge sa halip na umikot ang sasakyan sa rotunda sa dulo ng Andrews Avenue.
Maari itong makabawas ng sasakyan sa Andrews Avenue.
May elevator mula sa baba na kakabit sa Newport mall patungo sa pedestrian bridge.
Airconditioned ang pedestrian bridge at may walkalator ito sa kabuuang 220 metro.
Ayon sa Travellers International Hotel Group na syang gumawa ng proyekto, ang kapasidad ng pedestrian bridge ay 2-libo katao. Sa isang araw kaya nitong mag lipat ng 216-libong katao (216,000 people).
Kapag nabuksan na sa Abril 2017, ito ay libre sa publiko, at bukas 24 oras, 7 araw kada linggo.
Sa inspeksyon ni DOTr Sec Art Tugade at DPWH Sec Mark Villar kanina, idiniin nila ang kahalagahan ng kaligtasan sa paggawa at siguraduhing hindi makaka-antala sa trapiko ang konstruksyon.