Wazzup Pilipinas!
What should be the main difference between freelance bloggers and employed journalists?
Bloggers should be able to speak out loud and stand firm and upright for something, without getting worried our publication outfit will restrict or stop us, for being biased and truthful. We are a joke and not credible enough if we remain neutral or intentionally ignoring and neglecting the very obvious negative realities. We need more gutsy individuals in this country that would be determined to fight for what is right.
Kailangan natin ng "ma-dramang" leader dahil kawawa na po ang ating mga kababayan na patuloy na naghihirap dahil ang kaban ng bayan ay napupunta lamang sa iilan. Kung sino pa ang masagana ang buhay ay siya pa ang nabibigyan ng oportunidad na mai-angat pang muli ang kanilang pamumuhay samantalang barya-barya lamang ang napupunta sa tunay na nangangailangan at dapat na magkaroon ng karampatang pagkakataon na makipag-sabayan sa komersiyo ng mundo.
For example, di ba ninyo napapansin sa isang pagtitipon kung paano ang discrimination ay patuloy na umiiral. Kung sino pa ang dapat na "public servants" ay sila lang ang nabibigyan ng importansiya ngunit ang ordinaryong sambayanan ay dinadaan-daanan lang. Maliit na ehemplo pero diyan mo makikita na ang trato natin sa ating mga government officials ay parang hari samantalang ang mamamayan ay alipin. It should never be that way. Tayo dapat ang binibigyan ng halaga.
Napakarami pong kababayan natin ang talentado ngunit naaagawan ng pagkakataon at puwesto dahil sa mga maimpluwensiyang mga nakaupo na sa gobyerno. Huwag po nating hayaang magpa-ikot-ikot lamang sa kanila ang pamumuno sa bayang Pilipinas. Ang responsibildad sa pagpapatakbo sa bansa ay napakalaki para ibigay lamang ng paulit-ulit sa iilang tao.