Mala-piratang pagkilos ng China sa West Philippine Sea, itigil na!
Kumbinsido si dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III na makasasama sa tunay na layunin ng China para magpatuloy ang kanilang kaunlaran kung paiigtingin pa ang agresibong pagkamkam sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Alunan, Lead Convenor ng West Philippine Sea Coalition, mababalewala ang lahat ng nakamit na kaunlaran ng mga Chinese kung magpapatuloy sila sa pambu-bully sa ating bansa. “Dapat lamang na lumingon ang China at balikan ang kanilang mapayapang paraan ng pag-unlad. Pero masyadong naghahanap ang China ng kaguluhan sanhi ng kanilang agresibong pagkilos sa West Philippine Sea at nakasasama pa ito para sa pangdaigdigang kapayapaan,” paliwanag ni Alunan na nangunguna sa pagtutol sa maling pagkilos ng China sa karagatang higit na malapit sa Pilipinas.
Iginiit pa ni Alunan na mataas pa rin ang kanyang pagtitiwala na wala tayong nilabag na anumang alituntunin, bagkus naniniwala pa rin ang ating bansa sa mapayapang pakikipag-usap at pagsasampa ng petisyon sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS). “Wala naman akong bahid ng pagdududa na napanatili nating mga Pilipino ang mataas na moralidad hinggil sa aksiyon ng China.