Wazzup Pilipinas!
A PR approached me yesterday and shared his deep concern of what some bloggers are doing. He said a lot are doing rants against each other, backstabbing, spreading rumors, cursing, etc. He emphasized that these are the reasons why some organizations are still hesitant to invite or partner with bloggers because of the ill behavior some bloggers are showing towards each other in the blogging community. Lack of respect and courtesy. Iisa ang mundong ginagalawan natin pero tayo-tayo rin ang nagsisiraan. Ipinapakita natin sa public ang isang parte ng ating komunidad na hindi kaaya-aya at lubhang makakasira sa ating lahat.
Let me reiterate. He did not mention any wrongdoing of individual bloggers but what bloggers as a whole are doing against each other - spreading negativity about the blogging community specifically through online and social media rants. May pinariringgan, may pinatatamaan at walang humpay na pagrereklamo. Ang impression tuloy ng iba ay tayo ay nagiging sobrang antipatiko, kunsintidor, mayabang, materialistiko, walang utang na loob, makapal ang mukha, inggitero, at kung ano-ano pang malalaswang kaugalian na dapat sana ay maiiwasan kung hindi tayo mismo ang nagkakalat.
Mas nakakairita ang mga taong lalo pang pinaiigting ang galit ng threadstarter. OK lang magbigay ng simpatiya pero kapag ikaw ay kumampi, naniwala ng agad-agad, at ang mas masahol ay nagalit rin sa taong pinatatamaan ng iyong kaibigan, ay higit ka pang nagdulot ng mas matinding yurak para lalong maging magulo ang inyong mundo. Bakit kamo? Dahil imbes na iilan lang ang nag-aaway ay dumagdag ka pa.
This does not apply only to the blogging community but for every group or organization.