Wazzup Pilipinas!
Napapanahon na ating pag-usapan ang tungkol sa mga rumors, issues at scandals sa blogging community dahil sa mga kumakalat na blogs at trending na usapan sa social media na maaaring makasira sa pagkatao ng ilang individual. Ang timeline ko ay puno ng usapin tungkol sa mga nakataang mga pangyayari na involved ang ilang bloggers at ang karumal-dumal nilang karanasan.
Hindi yata umuubra ang pananahimik. Silence may be interpreted as acceptance of our fate. One the other hand, it may mean being guilty because we offer no words to reason out. Kapag naman nagbigay ka ng paliwanag ay binibigyan ng ibang kahulugan o nang-uungkat ng ibang issues na wala namang kinalaman sa pinag-uusapan.
Ang sabi nga nila, pag mahina ang defense, gamitan ng offense. Maglabas ng sangkatutak na issues na ikasisira nila, tutal mahina ang latest issue so gawa tayo ng listahan ng mga ginawa nila, halungkatin ang nakaraan, exaggerate it, maglagay ng kulang-kulang na impormasyon, haluan ng fiction, tambakan ng katatawanan, kalimutan ang katotohanan, at ipagkalat sa lahat ng taong easily gullible.
Kung isusulat nating lahat ng nalalaman nating baho about other people who say bad things about us ay ilang buwan siguro tayo nakatutok sa computer sa dami ng instances.
Hay, naku! Masalimuot ang mundo ng isang blogger. Marami raw pakitang-tao, marami raw sipsip, at maraming gagawin ang lahat dahil sa matinding pangangailangan. Marami rin ang sadyang nananahimik at walang pakialam dahil ayaw madamay o mabigyan ng kulay. Marami ang nais pumagitna lamang pero ang issue ay papabayaan.