Wazzup Pilipinas!
Sometimes we just need to fight for what we believe is right no matter how insignificant or less important it is. We should be following a principle guided by moral values that we should strictly adhere to even if it means sacrificing our personal interests.
It is very rare in this world to see people concerned about the small and trivial things which could very well eventually lead to bigger problems if ignored or taken for granted.
Sa maliliit na mga bagay nagsisimula ang mga malalaking kalokohan kapag pinabayaan o ipinasa-Diyos na lamang. Tandaan, "Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa." Dapat rin po tayong kumilos because we owe it to ourselves, and to the other people who may have encountered the same situations, to seek the truth and demand for justice.
Huwag hintaying lumala ang mga bagay-bagay bago tutukan ng pansin. Nasa huli ang pagsisisi. Huwag nating hahayaang ipagpatuloy ang tila karumal-dumal na mga gawain ng mga nilalang na halang ang kaluluwa.
Dapat ba na kumanta na lang tayo ng "Let It Go" at hayaan na lang na humupa ang ating galit?
Pero teka, di ba dapat rin nating tandaan na ang lahat ng bagay ay nareresolba kapag may tunay na hangaring maisaayos ang nasirang pagsasama o mapagkasundo ang magkabilang panig na nagtutunggali?