Wazzup Pilipinas!
An sabi ni PNoy, and malubhang kondisyon daw ng trapik ay senyales ng isang progresibong bayan. Ikaw ba ay sang-ayon?
Mukhang kahit saan ka lumingon dito sa Metro Manila ay siksikan. Magmula sa isang barangay na nagkalat ang mga bahay na dikit-dikit at halos dingding na lang ang pagitan sa nakararami lalo na sa mga squatter areas, hanggang sa sakayan ng traysikel na kayhaba ng pila, pati pagsakay ay pinipilit nilang isiksik ang tao sa napakaliit na espasyo. Ang dating apatan lang, ngayon ay animan na. Wala na silang pakialam kung ikaw ay komportable pa, ang mahalaga ay kumita sila ng extra.
Kahit sa mga jeepney ay pilit pa ring pinauupo kahit halos kalahati na ng pwet mo lang ang kasya. Ang matindi ay may sabit pa sila sa likuran. Mga paraeng drayber alam naman namin na gusto ninyong kumita pero bulag ba kayo sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pangangatawan?
Sa mga bus kahit wala ng madaanan sa gitna ay pilit pa rin pinatatyo ang mga tao. Kahit alam nilang mahihirapan sa pagbaba dahil walang madaanan ay OK lang sa kanila basta tumaas ang pasada. Mamang kundoktor, halos ikuskos mo na ang yong sarili para lang makadaan sa gita at makapangoleta ng pamasahe, pero bakit panay ka pa rin ng papasok ng pasahero? Ano ba akala mo sa amin, si plastikman?
Sa mga MRT at LRT ay halos hindi ka na makahinga. Pati mga pawis ninyo ay nagdidikitan na. May pagkakataon png hindi ka makababa dahil siksikan at ayaw gumalaw ang mga nakaharang sa daanan. Kung di lang walang trapik dito ay hind kami sasakay. Well, mas mabuti na rin sigurong mag-amoy suka, kaysa pumuti ang buhok sa tagal ng trapik.