Wazzup Pilipinas!Hindi po ako ipinanganak na mayaman ang mga magulang. Hindi rin po ako guwapo kaya kalimutan na ang pag-aartista. Hindi rin po ako pwedeng basketbolista dahil maliit lang po ako, hindi rin po ako napaka-talino para makaimbento ng isang miracle drug na cure for cancer. Hindi rin po ako marunong kumanta kaya hanggang sa banyo lang ako nagko-concert.
Sadyang simpleng mamamayan ng Pilipinas lamang po ako. Sabi ng iba ay kabilang sa nakakaraming masa. Walang lahing banyaga at purong Pilipino.
Pero pilit pong nagsumikap ako kahit kakaunti ang oportunidad para sa katulad kong simpleng tao. Isang katangiang Pilipino na aking ipagmamalaki ay ang sipag at tiyaga - pero huwag ninyo namang isipin ang isang pulitiko dahil hindi ko po gawaing maligo sa dagat ng basura.
I've been everywhere, several times, paulit-ulit sa iba't-ibang sulok ng bansa....even outside the country... Hindi pa ako blogger during those younger years. I just go where I please. I just do whatever I want.
Ngayon ko lang na-appreciate ang tunay na beauty of the Philippines dahil I now write about them. It is only recently that I've seen my efforts being rewarded and recognized. What is more fulfilling to know is that I am able to help others with my advocacy. The many thanks and gratitude towards my work are endless, enduring and touching.