Wazzup Pilipinas!
Pasensiya na...hindi po kasi ako komedyante. Mas madalas ay seryoso ako, tahimik, nasa isang tabi lamang. Hindi mo agad-agad akong mapapatawa, kahit mapangiti...pilit siguro..pero mahirap at halatang peke.
Pero kapag interesado talaga ako o nasa syento porsyento pa ang aking lakas, uupo ako sa harapan, makikinig ng maiigi, magtatanong pa minsan, tititigan kita dahil may gana pa ako. Once na tumingin ako sa sahig, its either inaantok na ako, or nahihiya ako sa iyo dahil sa sobrang ka-cute-an mo. Shy rin ako noh.
Kaya lang kapag naramdaman kong hindi ka pala totoo, mapagkunwari ka lang na pilit na nagpapaka-tao, aantukin na ako, iba na ang iisipin, kating-kati na umuwi. Kahit landiin mo pa ako at magpakita ka ng cleavage at legs, there will never be something between the two of us.
Dadamihan ko na lang ng inom ng iced tea, kung meron, o kaya tubig na lang ang pagtiyatiyagaan para pampalipas lang ng oras, lamang tiyan di yan...kahit malunod na ako sa kakainom, para makaraos lang, para di mapanis laway ko. Pagbibigyan ka pa rin, kahit atat na talaga akong tumayo. Mas masarap pa kasing umutot kaysa makinig sa iyo.