Wazzup Pilipinas!
This is a heart-warming and a must share story we read from a Facebook user about his experience saving a child who drown at a beach somewhere in Anawangin, Zambales just this month. It was because of his basic RED CROSS training in CPR and the likes that he was able to save the life of the child.
"Isang araw sa Anawangin, Zambales last January 11, 2014. Barkada beach outing habang nag-iihaw sa beach-front sa cottage namin.. ng biglang may nagtakbuhan na mga tao papunta sa dagat... sunod nito ay sunod-sunod na ang sigawan "May nalunod, may nalunod!!!" (akala ko tinatawag ako sa apelyido ko..NULUD) sunod nito ay tinawag ako ng mga kaibigan ko "Pare may nalunod... may batang nalunod! di ba nag training ka sa RED CROSS?"
Kahit hirap akong tumakbo.. eh bigla itong bumilis.. papunta sa nagtutumpukang tao sa pangpang.. at may nagsasalita na. "o tabi tabi..tabi kayo jan may nurse dito.. may RED CROSS volunteer dito" at bumungad sa akin ang batang walang malay.. tirik ang mata..lawet ang dila.. namumutla...At nakabaliktad na bata.. hawak ng mga bangkero sa paa ang biktima at saka itinataktak ito ng paulit-ulit dali dali kong nilapitan at nakialam na din ako...
"Kuya mali yang ginagawa ninyo... asan ang kamag anak nitong bata? pwede ba kong tumulong?" walang sumasagot ganun pa man ay ginawa ko na ang pumasok sa aking isip.. HINDE AKO BOARD PASSER, at HINDI AKO PERPEKTO SA CPR. HINDI RIN AKO YUNG ESTUDYANTENG MAGALING sa KLASE.... bahala na si Lord!