Gising, Pilipinas!
Kung paniniwalaan natin ang mga bagong survey, nakakadismaya na marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na sumusuporta sa mga trapo at political dynasties—mga pulitikong may kaduda-dudang rekord, inuuna ang pansariling interes, at paulit-ulit nang niloko ang bayan.
Mayroon tayong mga lider na ginagawang palabas ang serbisyo publiko—mas inuuna ang drama at pagpapabango ng pangalan kaysa tunay na paglilingkod. At nandiyan din ang mga balimbing—walang paninindigan, laging pumapanig sa kung sino ang makakapagbigay ng kapangyarihan sa kanila, imbes na sa kapakanan ng mamamayan.
Hanggang kailan tayo magpapaloko? Ilang beses pa tayong mabibigo bago natin maisip na kailangan na nating piliin ang mas maayos na liderato? Nasa kamay natin ang kapangyarihan, pero kung patuloy tayong susuporta sa mga pulitikong inuuna ang sarili kaysa sa bayan, tayo rin ang naglalagay ng sarili natin sa kapahamakan.
Panahon na para putulin ang masamang siklo. Tigilan na natin ang pagbibigay-puri sa mga pulitikong mahilig lang sa drama at matatamis na pangako. Singilin natin sila, hingin ang tunay na aksyon, at suportahan ang mga totoong lingkod-bayan—yung may prinsipyo, kakayahan, at tunay na malasakit sa Pilipino.
Mas deserve natin ang mas maayos na gobyerno. Wazzup, Pilipinas? Gising na tayo!
Post a Comment