Wazzup Pilipinas!?
Ayon kay David D’ Angelo, isang aktibistang pangkalikasan at tumatakbong kandidato para senador sa 2025, “Sa pagbubukas ng COP29 sa Baku, Azerbaijan ngayong araw, ika-11 ng Nobyembre 2024 at magtatagal hanggang ika-22 ng Nobyembre ay malinaw ang dapat ipatupad. Kailangang gawing MANDATORY at DEMANDABLE ang mga pag-uusap na pinipirmahan sa mga ginaganap na Conference of Parties o COP. Kung hindi rin lang ay walang kabuluhan ang COP.”
Sinabi pa ni D’Angelo na anumang ganda ng mga usapan at anumang dami ng mga pangako ay nawawalang saysay kung ang mga ito ay naka depende kung susundin o hindi ng mga bansang nagtatalakayan.
“Hindi peke ang kinakaharap nating KRISIS SA KLIMA at ito ay damang-dama na nating lahat. Tila malabo na ang hangaring mapanatili ang temperatura sa hinahangad na 1.5 degrees Centigrade at kung may pagkakataon pa ay kailangan ng agarang aksyon,” dagdag pa niya.
Nanawagan din siya sa bawat Filipino na sama-samang panawagan na magdeklara na ang pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Bong Bong Marcos ng NATIONAL CLIMATE EMERGENCY at magpasa ng akmang batas upang tugunan ito dahil hindi na umano biro ang ating kinakaharap.
“Kailangan din nating ipanalo sa darating na halalan ang mga kandidatong kakampi ng kalikasan. Hindi pwede na may krisis na nga sa klima ay patuloy pa rin ang pagwasak sa Inang Kalikasan. ACT NOW! TAMA NA ANG PURO USAP - TAYO AY KUMILOS NA,” panawagan ni D’Angelo
Si David D’Angelo ay tumatakbong senador sa ilalim ng Bunyog Pagkakaisa Party bilang guest candidate at koalisyon ng Green Party of the Philippines (GPP-Kalikasan Muna). Ang COP 29 o Conference of Parties ay kasalukuyang nagaganap sa Baku, Azerbaijan mula ika-11 hanggang ika-22 ng Nobyember 2024.
What is COP29?
The Conference of Parties (COP) is the United Nations' premier global forum dedicated to addressing climate change.
Comprising 198 countries and the European Union, the COP is the highest decision-making body on climate issues under the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
This two-week global mega-event will gather heads of state, climate experts, political leaders, young people, and civil society to collaborate on the urgent challenge of climate change.
As the world’s most significant climate conference, COP29 will serve as a pivotal platform for negotiating international climate policies, advancing climate action, and fostering global cooperation to achieve a sustainable and resilient future.
Links:
https://www.un.org/en/climatechange/cop29
https://www.cop29greenzone.com/
#DavidDAngelo #BosesNgKalikasan #KalikasanMuna
#COP29Azerbaijan #COP29
#IpanaloAngKalikasan #BunyogPartyList
No comments:
Post a Comment