BREAKING

Sunday, June 23, 2024

𝐀𝐦𝐚𝐤 𝐔𝐡𝐚𝐩 𝐀𝐰𝐥𝐮𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐮: 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐲-𝐖𝐢𝐤𝐚


Wazzup Pilipinas!?


Idinaos noong 18 Mayo 2024 ang Amak Uhap Awlung Pagtatapu (Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika) ng ika-6 na batch ng mga bata sa Bahay-Wika at mga Apprentice sa Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa Bangkal, Abucay, Bataan. Mayroong 18 batang Ayta Magbukun na nakapagtapos sa Bahay-Wika ngayong taon at anim na mga magulang (apprentice) na Ayta Magbukun na natuto ng kanilang katutubong wika. Naidaos ang programa katuwang ang Provincial Government ng Bataan sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office at Cultural Heritage and Preservation Division.




Ang Bahay-Wika at MALLP sa Bangkal, Abucay, Bataan para sa wikang Ayta Magbukun ay ang kauna-unahang Language Immersion Program para sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika ng Pilipinas. 

Sinimulan ito noong 2018 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagsusumikap ng komunidad na mapasigla ang paggamit ng kanilang katutubong wika at dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang institusyon ng pamahalaan gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino, Pamahalaang Lalawigan ng Bataan, Pamahalaan Bayan ng Abucay, at DepEd-Bataan.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT