Wazzup Pilipinas!?
Mula February 14-16, sorpresahin ang iyong minamahal at magpadala via “Express PadaLOVE” ngayong Valentine’s Day sa Metro Manila ng bulaklak, cards, stuffed toys, chocolates, cakes at iba pa sa pamamagitan ng “same day delivery” via Domestic Express Mail Service (DEMS) ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang kanilang Valentine’s day o Express PadaLOVE Booth sa Quezon City Central Post Office at Makati Central Post Office. Sa mga magde-date o mag-reregalo na magkasintahan o mag-asawa, maaaring dayuhin ang opisina ng PHLPost upang bumili ng mga bulaklak o regalo at ipadala via postal service.
Maaring tumawag, mag-text at mag-book ng special Express Mail Service delivery sa Mobile No. 0927-245-0837 (Jeff Catayong) at 0927-676-5538 (Ms. Angel Rosales) ng PHLPost Mega Manila Area Marketing.
Ayon sa PHLPost, maaaring ring magpadala ng mensahe sa tradisyunal na pamamaraan ng pagpapadala ng liham gamit ang Valentine’s Day stamps.
Maliban sa pakulo na ito ng PHLPost, mabibili rin ang “Valentine’s Day” special stamps kaugnay na rin sa “Love Month.” Atraksyon dito ang apat (4) na iba’t ibang disensyo ng cute na “Teddy Bear” na iginuhit ni Ms. Beth Parrocha, isang kilalang children’s book author at illustrator.
Tampok sa selyo ang tanyag na “Teddy Bear”, isang popular na stuff toy, cute at huggable. Ito ay binibigay o inireregalo sa kahit anong edad. Ito ay ibinibigay bilang tanda ng pagmamahal sa isang espesyal na tagpo o okasyon tulad ng Araw ng mga Puso.
Ang mga makukulay na selyo ay mabibili at magagamit sa mga love letters na ipapadala sa mga minamahal. Ang bawat stamp o selyo ay mabibili sa halagang P16.00 at may iba-ibang disenyo.
Samantala, Ang special Valentine’s Day service ay available din sa Iloilo City (503-3279/3251267/0915-2304901), Cagayan De Oro City (0906-4966880), Tuguegarao City (0915-796-1096/0936-1118377), Cebu City Post Office (Mobile No. 0920-5052285) at Davao City (0956-6921299).
Post a Comment