BREAKING

Wednesday, November 8, 2023

Sa panahon na baon ang bayan sa kahirapan, #WagKangKuCorrupt!





Wazzup Pilipinas!?




CONFIDENTIAL AT INTELLIGENCE FUNDS: PAHAYAG AT PANAWAGAN NG ‘WAG KANG KUCORRUPT MOVEMENT

Sa isang bansang nababaon sa kahirapan dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin, napakalaking utang ng pamahalaan, at mababang sahod, dapat walang puwang ang confidential funds. Malaking problema ito dahil hindi matukoy kung saan at paano ito ginagamit ng gobyerno.

Hindi ito makatarungan para sa taumbayan na araw-araw ay nagpapagod magtrabaho at nag-aambag ng malaking porsyento ng kanilang sweldo sa pondo ng pamahalaan. Ang confidential fund ay hindi susi sa ating pag-unlad.

Ang panukalang kabuuang budget para sa confidential at intelligence funds sa taong 2024 ay umaabot sa mahigit sampung bilyong piso (P10 billion). Sa halagang iyan, pwede nang magpatayo ng 4,000 classrooms, mamigay ng mahigit 5,000,000 sako ng bigas, o mga 20,000 na bahay. Mas maraming makabuluhan at kapakipakinabang na proyekto para sa mga Pilipino ang maaaring paglaanan ng confidential funds.

Ang confidential funds ay mas malala pa sa pork barrel — pera ng bayan na naabuso ng mga kurap na opisyal ng pamahalaan. Hindi istrikto ang proseso ng accounting at auditing ng confidential at intelligence funds. Hindi kailangan sumunod sa procurement law para gastusin ito. Sapat na ang isang papel lang na may lagda ng pinuno ng ahensya. Hindi kailangan ng resibo, detalye, at paliwanag.

Tatlo ang panawagan ng ‘Wag Kang KuCorrupt Movement.

Una: Abolish Confidential Funds. Hindi kailangan ng confidential funds ng ating mga civilian agencies upang gampanan ang kanilang pangunahing mandato. Hindi rin ito kailangan ng ating mga mayor. Sapat na ang intelligence fund ng ating military at uniformed personnel para tustusan ang mga pangangailangan sa national security at peace and order.

Pangalawa: Ilabas ng Commission on Audit (COA) ang lahat ng dokumento na mayroon ito kaugnay sa confidential funds lalo na ang sa Presidente at Bise Presidente. Kailangang busisiin din nito ang mga programa at proyekto kung saan ginamit ang mga pondo.

Pangatlo: Magbalangkas ang Kongreso ng batas na maglilinaw sa wastong paggamit ng intelligence funds. Dapat kasama dito ang detalyado at mabusising sistema ng accounting at audit. Kailangan magtatag ng isang Oversight Committee na titiyak na tama ang paggamit sa pondo. Kailangan din ng karampatang penalties o kaparusahan sa mga mang-aabuso dito.

Mahalaga na ang bawat sentimo ng pondo ng bayan — ang pera ng bawat mamamayan — ay napupunta sa totoong serbisyong bayan. Walang nililihim, walang sinisikreto, walang ninanakaw.

Sa panahon na baon ang bayan sa kahirapan, #WagKangKuCorrupt!

_______

CONFIDENTIAL AND INTELLIGENCE FUNDS:
STATEMENT AND CALLS BY THE ‘WAG KANG KUCORRUPT MOVEMENT

Confidential funds have no place in a country mired in poverty due to sky-high prices of consumer goods, record government debt, and low wages. They are especially outrageous because of the lack of clarity on their purpose and lack of transparency on their use and audit.

This is an injustice to the common Filipino people who work tirelessly every day and contribute a considerable portion of their salaries to the coffers of the government. Confidential funds are not a key to progress at all.

The proposed total budget for confidential and intelligence funds for 2024 is more than ten billion pesos (P10 billion). This amount can be used for more important and urgent purposes that would truly benefit the people especially the poor. This amount is enough to construct over 4,000 new classrooms, hand out over 5,000,000 sacks of rice, or build 20,000 houses.

Confidential funds are worse than the pork barrel — taxpayers’ money that was abused and misused by corrupt government officials. These funds and intelligence funds do not have strict accounting processes and users do not need to follow the procurement law. All that is required is a piece of paper signed by the head of the agency. No receipts, no details, no explanations needed.

The ‘Wag Kang KuCorrupt Movement has three calls.

First: Abolish Confidential Funds. Civilian government agencies do not need them to fulfill their mandates. Neither do local government units. The intelligence funds are enough for the military and uniformed personnel to support their needs for national security and peace and order.

Second: The Commission on Audit (COA) should release to the public all documents related to confidential funds, especially those of the President and the Vice President. It should also do a follow through audit to get details of the programs and projects for which the funds were used.

Third: Congress should create a law that will clearly define the proper use of intelligence funds. The law should include a detailed system for accounting and audit. It should also create an Oversight Committee that will ensure that the funds are used correctly and accounted for. The law should also impose sanctions and penalties on those who will misuse and abuse the funds.

It is crucial that every centavo of the people’s hard-earned money goes to honest public service. No secrets, nothing hidden, nothing stolen.

At this time when the country is buried in poverty, everyone should stand against corruption. #WagKangKuCorrupt!

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT