BREAKING

Wednesday, September 20, 2023

Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas


Wazzup Pilipinas!?



Malugod na ipinababatid ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Santo Tomas at Sentro sa Salin ang Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas. Gaganapin sa 27–29 Setyembre 2023 sa University of Santo Tomas.

Ito ay tatlong araw na kumperensiya na kung saan ay magtitipon ang mga baguhan at propesyonal na tagasalin upang talakayin ang industriya ng pagsasalin sa bansa; magbahaginan ng mga bagong idea sa pagsasalin; matalakay ang mga suliraning kinakaharap ng mga tagsalin; matukoy ang mga bagong trend sa pagsasalin; at makipag-ugnayan sa iba pang mga tagasalin. Tampok rin sa kumperensiya ang mga paksang ihaharap sa mga panayam, talakayan sa panel, breakout session, at oportunidad sa networking.

Nananabik kaming ilunsad ang Mga Dalumat at Realidad at maglaan ng platform sa mga propesyonal at baguhang tagasalin na magtipon at matuto sa bawat isa.

Ang kumperensiya ay bukas sa lahat ng propesyonal na may iba’t ibang antas ng kasanayan. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon maaaring mag-email sa kwf.salin@kwf.gov.ph.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT