BREAKING

Tuesday, March 7, 2023

Statement of Senator Imee Marcos on the killing of Negros Oriental Governor Role Degamo


Wazzup Pilipinas!?


Here's the statement of Senator Imee Marcos related to the assassination of Negros Oriental Governor Role Degamo last Saturday March 4.


"MARIIN kong kinokondena ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob ng kanyang pamamahay nitong Sabado ng umaga, March 4.

Ikinalulungkot ko ito at nakikiramay ako kay Mayora Janice, sa kanilang dalawang anak at sa buong pamilya ng aking kaibigang si Gov. Degamo. Makakasama ko pa sana sya sa isasagawang AICS payout namin sa March 29.

Matagal kong naging kaibigan at kapwa gobernador si Roel. Sabay kaming  nagsulong ng localized peace talks kay Presidente Duterte, at kung ako ay nanindigan sa agrikultura, sya nama'y ipinaglaban ang mga mangingisda. 




Huli kaming nagkita ni Gov. Degamo noong November 20, 2022 sa isang AICS payout din. Alam ko ang hirap niyang pinagdaanan nitong nakaraang eleksyon.

Nananawagan ako sa ating mga otoridad para sa dagliang pagresolba sa krimeng ito at paghuli sa mga perpetrators. 

Huwag sana natin hayaang maging mitsa ito sa ating kapayapaan bilang bansang naguumpisa pa lamang bumangon mula sa pandemya.

Sobrang sakit itong sunod- sunod na pagkawala ng  mga kaibigan at mabubuting opisyal. Tuldukan na agad itong bagong karahasan sa ating bansa nang hindi maghari ang takot at ligalig.

Personal na dumalaw at nakiramay si Sen. Marcos sa burol ni Gov. Degamo sa Brgy. Bahong Pandan, Dumaguete, Negros Oriental ngayong Linggo ng umaga."

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT