Tuesday, February 14, 2023

#ImeeSolusyon in Tuguegarao for AICS Pay-out


Wazzup Pilipinas!


Senator Imee R. Marcos , bumisita sa Lungsod ng Tuguegarao, para sa Pay-out ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Bumisita ngayong Linggo, ika-12 ng Pebrero si Senator Imee Marcos sa Lungsod ng Tuguegarao, upang iabot ng personal ang tulong pinansyal sa 1,000 na benepisyaryo na mga Tricycle Drivers ng Lungsod sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development-Assistance to Individuals in Crisis Situation (DSWD-AICS).

Tatlong libong piso (₱3,000) ang natanggap ng bawat benepisyaryo mula sa nasabing programa na pinangasiwaan ng DSWD sa pamumuno ni Regional Director Lucia Alan at CSWDO OIC Teresa Singson ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao.

Nakisimpatiya ang Senadora sa hirap na pinagdaanan ng mga tricycle drivers, dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19 at sa mga magkakasunod na bagyo at pagbaha na nanalasa sa Lungsod, kung kayat pinili sila bilang benepisyaryo ng nasabing programa.





Maliban sa 1,000 na mga tricycle drivers, nakatanggap din ng ₱3,000 bawat isa ang lahat ng mga barangay officials ng kahalintulad na tulong pinansyal mula sa Opisina ni Pangulong Ferdinand " Bongbong" Marcos, Jr.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Senador Imee sa mga mamamayan ng Tuguegarao sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang eleksiyon.

Samantala, binigyan diin ni City Mayor Maila Ting-Que na pinili nila ang mga tricycle drivers na benepisaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation na programa ng DSWD, dahil lubos silang naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID 19.

Aniya, sa Lungsod ng Tuguegarao, malaking parte ng buhay ng mga residente ang tricycle at maging sa mga driver sa paglago ng ekonomiya.

Personal ding ipinaabot ni Mayor Maila ang kaniyang pasasalamat kay Senador Imee, dahil siya mismo ang pumunta, upang magbigay at mamahagi ng tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo ng naturang programa.

Kasama ni Mayor Maila sa nasabing programa sina Cagayan Governor Manuel Mamba, Former 3rd District Congressman Randy Ting, City Administrator Juanito Calubaquib, DSWD Regional Director Lucia Alan, Provincial Officials, City Officials, mga department heads at kawani ng LGU Tuguegarao.

No comments:

Post a Comment