BREAKING

Thursday, February 23, 2023

Bukás na para sa mga aplikasyon ang KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023


Wazzup Pilipinas!?




Pagkilala itong ipinagkakaloob sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 o EO 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.

Timpalak at parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan o LGU na sumunod sa implementasyon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 o EO No. 335 (Executive Order No. 335) at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.

TUNTUNIN

1. Bukás ang timpalak sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, instrumentaliti, at lokal na yunit ng pamahalaan o LGU.

Para sa Kagawaran ng Edukasyon: bukás lámang ito sa mga Panrehiyon

at Pansangay na Tanggapan.



2. Magpadala ng liham na nagsasaad ng intensiyong lumahok sa timpalak sa o bago ang 31 Marso ng kasalukuyang taon sa:

Email: kwf.slak@gmail.com

Subject: Ahensiya_KWFSelyo2023

3. Ang lahat ng mga pruweba o patunay ay tatanggapin hanggang 30 Abril ng kasalukuyang taon. Maaari ding isumite ang dihital na kopya nito sa opisina ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).



4. Makatatanggap ng plake ng pagkilala ang mapipipiling ahensiya o lokal na yunit ng pamahalaan.



5. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago.



6. Para sa mga tanong o karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnay sa Sangay ng Literatura at Araling Kultural at hanapin si:

Dr. Miriam P. Cabila (09669052938; mpcabila@kwf.gov.ph); o

Gng. Pinky Jane S. Tenmatay (09206512590; pjstenmatay@kwf.gov.ph).

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT