BREAKING

Thursday, February 2, 2023

Bayanihan E-Komsulta, patuloy na umaarangkada, mahigit 6,000 pasyente, natulungan!


Wazzup Pilipinas!?



Sa loob lamang ng limang buwan, mahigit 6,000 pasyente ang nabigyan ng kalingang medikal ng Angat Buhay Foundation ni dating Bise Presidente Leni Robredo sa ilalim ng programang Bayanihan e-Konsulta.

Mula Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon, mahigit 1,000 doktor, nars, at non-medical volunteers ang nagtulungan sa mga virtual checkup sa ilalim ng nasabing programa.

Bukod dito, halos 800 COVID care kits din ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang lugar at komunidad sa loob ng National Capital Region (NCR).


 

“Ano mang karamdaman at hamon ang dumating, kayang-kaya nating harapin basta’t nagbabayanihan tayo,” sabi ni Raffy Magno, executive director ng Angat Buhay.

Ngayong 2023, nais pang palawakin ng Angat Buhay ang programa ng Bayanihan e-Konsulta, kasama ang pagsasalokal ng mga serbisyo at pagpapalakas ng mga programa patungkol sa mental health.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT