BREAKING

Thursday, December 22, 2022

Panawagan para s panukalang aklat




Wazzup Pilipinas!?




Inaanyayahan ang lahat na magpása ng panukalang aklat para sa proyektong pampublikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino. Tatanggap ang patnugutan ng KWF Publikasyon ng teknikal na mga akda, saliksik pangwika, malikhaing akdang pampanitikan na nakasulat sa Filipino at sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas gaya ng Sebwano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Bikol, Kapampangan, Tausug, Mëranaw, Kinaray-a, Surigaonon, at iba pa. Bukás ang panawagan para sa lahat ng manunulat, editor, tagasalin sa Filipino at rehiyonal na mga wika.

Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit ang wikang Filipino at mga rehiyonal na wika sa Pilipinas. Gayundin, target nitong matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.

Bisitahin ang https://kwf.gov.ph/kwf-publikasyon-2023/ para sa kompletong detalye.

Ipinababatid na magkakaroon ng ekstensiyon para sa dedlayn ng pagpapasa ng panukalang publikasyon.



Ang ekstensiyon ng dedlayn ay sa 26 Disyembre 2022.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT