BREAKING

Friday, July 8, 2022

Kumustahan with commuters


Wazzup Pilipinas!?



Personal na nagtungo at sorpresang sumakay sa MRT-3 si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, upang makita mismo kung ano ang kalagayan ng mga pasahero mula sa pagpila at pagsakay rito.

Sa kaniyang pagsakay, kinausap ni Secretary Bautista ang mga pasahero sa pila at sa loob ng tren, upang malaman at marinig ang kanilang “travel experience” sa MRT-3.

Kinamusta niya rin ang mga teller at mga security guards, upang alamin at kumuha ng mga suhestiyon sa pagsasaayos pa ng mga pasilidad upang mas maging kumportable, kumbinyente, at mapadali ang araw-araw na pagsakay ng mga commuter.

Kasabay nito ay ininspeksyon din ni Secretary Bautista ang mga pasilidad ng MRT-3.

Naganap ito matapos ang pag anunsyo ng extension ng Libreng Sakay na handog ng pamahalaan noong ika-30 ng Hunyo 2022.

Matapos ang kaniyang pagsakay sa rail system, kinumusta rin ni Secretary Bautista ang mga Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Auxiliaries na naka-istasyon sa Taft Station.

Naranasan, ramdam, at kita ng Kalihim ang mga pagsubok sa pagko-commute—kaya naman hayag nya na sya ay handang makinig at magsagawa ng mga kinakailangang programa, proyekto, at inisyatibo, para sa mas maginhawa at hassle-free na pagbiyahe ng bawat Pilipino.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT