Wazzup Pilipinas!?
Si Aling Gemma na nagviral after maglabas ng hinanakit laban sa COVID19 response ng administrasyong Duterte, pinaghahanap ng barangay chairman at mga pulis kaya hindi na makalabas ng bahay at makapaghanap-buhay nang dahil sa takot.
Bakit nila pinupuntirya ang isang ordinaryong mamamayan na nagsasabi ng katotohanan? Na ilang taon nilang ginagago, pinapahirapan at winawaldas ang pera ng taumbayan sa kalagitnaan ng pandemya?!
Ayaw ba nila ng real talk? Ang kaya lang ba ng gobyerno ngayon ay mangharass at manakot? ... May pandemya pa yan. Kaya ba sa military equipment nag i invest at hindi sa mga importanteng pangangailangan sa panahon ngayon?
Why does she have to apologise? yung presidente nga ay puro mura Ang bukambibig eh.
Those who were not born during Martial Law. This is how it works.
Kapag si Duterte ang nagmura ay OK lang at pinapalakpakan pa, pero kapag mahihirap ang napapamura sa bulok na sistema ng gobyerno, pinaghahanap ng pulis?
Ang lagay ba eh si Duterte lang ang maaaring magmura? Pero kapag kagaspangan ng ugali at bunganga ni Duterte, okay lang? Eh si ate nga may pinagmumulan 'yong galit niya.
Samantalang si Leni kapag minumura ng mga trolls ay hindi maaksyunan, but when it comes to ordinary person like this Aling Gemma, ang bilis aksyonan!
This is a democratic country, kaya karapatan ng bawat isa satin n maglabas ng hinanaing at saloobin kung paano tayo tinatrato ng gobyerno..This is another side of martial law.. Pati matandang walang kalaban-laban ay haharasin ninyo. Shame on you!
Maling-mali ito. Gising na! Hindi man katanggap-tanggap ang paraan ng kaniyang pagpapahayag ng kaniyang saloobin, walang mali sa pagpuna sa gobyerno. Bagkus, dapat tingnan ng gobyerno ang pinagmumulan ng ganitong klaseng hinaing.
Nagsasabi lang naman sya ng totoo. Anong masama dun?.. Lantarang pagbusal ito sa kalayaan ng mga tao na magpahayag ng kritisismo sa gobyernong pabaya.
Ganito ba ang gusto nyo madlang people? Na kahit hirap na hirap na kayo at wala na makain eh hindi pwedeng umalma at umangal kahit mamatay na kayo sa gutom?
Ganito po ba ang gusto niyong buhay? Yung ipapahanap kayo ng pulis at barangay chairman dahil nag-air kayo ng saloobin niyo na against the government?
Mag-isip isip na kayo at huwag na magpaloko. Sobrang tagal na ng 6 yrs at madagdagan pa kung magpaloko muli.
The fact na wala pang Martial law yet they can abuse this kind of authority means something. Sa mga nagbubulagbulagan dahil hindi makayang ibabaa ang ego nila, isipin ninyo ang magiging kapalit ng pag stand sa maling gawain.
Sana po pag isipan inyo. Baka dumating ang panahon makaranas kayo ng hirap pero di na kayo pwede dumaing.
The Duterte playbook. Takutin at harasin ang mga mahina at walang kaya. Sad but she dropped a lot of truth bombs.
Hindi ito tama. We should not be living in fear. I hope may nakareach out kay nanay to make her feel better/safe.
Ayaw namin sa isang diktadoryang gobyerno!
https://fb.watch/aGYsT-Z98y/
Post a Comment