BREAKING

Tuesday, December 7, 2021

Pasko 2021 stamps inilunsad sa pagtatanghal ng Philippine Philharmonic Orchestra


Wazzup Pilipinas!

Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (Post Office) ang “Pasko 2021” postage stamps kasabay ng maningning na gabi ng pagtatanghal, handog ng pamosong Philippine Philharmonic Orchestra sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office kamakailan.

Tampok ang temang “Paskong Pilipino”, inilalarawan sa selyo ang mensahe ng parol na nagbibigay liwanag at komukonekta sa sama-samang selebrasyon ng pamilya, magkakaibigan, magkalapit o magkalayo daman-dama pa rin ng bawat isa ang Pasko.

Makikita sa selyo ang mga makukulay na parol hudyat na eto ng simula ng masaya at sama-samang pagdiriwang ng Paskong Pinoy.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, “ang mga karanasan sa nagdaang sakuna o trahedya ang ngsilbing lakas at gabay upang lumago, tumibay at mapanatili ang ating pananampalataya sa Diyos”.



 

Hinarana ng Philippine Philharmonic Orchestra ang mga Manileno sa libreng konsiyertong inihandog ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

 

Ipinakita dito ang pagtugtog ng iba’t ibang kantang pamasko at mga awiting pinasikat ng mga lokal at internasyunal na mang-aawit sa kumpas ng baton ni Maestro Herminigildo Ranera. Pinamalas din ang galing ng pinakabatang sopranong si  Alexa Kaufman at ang The Nightingales. Ang  aktres  na si Issa Litton ang naging host ng  espesyal na konsiyertong pinamagatang “PPO@PPO” .

 

Nagpasalamat si Postmaster General Fulgencio sa Office of the President sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Direk Arsenio “Nick” Lizaso, Pangulo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at chairperson ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa kanyang adhikain na maitampok ang konsiyerto sa makasaysayang gusali ng post office upang patuloy na maitampok ang mga programang pangkultura at sining. Ang Post Office, NCCA at CCP ay pare- parehas na nasa ilalim ng Office of the President.

 

Ang gusali ng post office ay idineklarang mahalagang yamang pangkalinangan ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ayon kay Postmaster General Fulgencio, “ang  makasaysayang gusali na ito ang  magsisilbing backdrop upang mas lalong mapahalagahan ang talento ng mga Pilipino na siyang tunay na kayamanan ng bansa”.

 

Idinesenyo ni in-house graphic designer Ryman Dominic Albuladora, ang mga “Christmas Stamps”, Souvenir Sheets at First day cover envelope ay mabibili sa  Manila Central Post Office Postshop sa Liwasang Bonifacio.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

1 comment:

  1. Nowadays, playing for money has become the norm for modern earnings. When it comes to Australian entertainment, my favorite is check that The main thing is to choose a quality site that you can trust. Since you will spend a lot of time on the site.

    ReplyDelete

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT