Friday, September 17, 2021

Gordon says no country deserves Duterte's leadership


Wazzup Pilipinas!?

It's the 7th hearing of the Senate Blue Ribbon Committee on the government's use of COVID-19 funds. Sen. Richard Gordon hits back at President Duterte: This is not an inquisition of sorts na pinapalabas ng Pangulo ng Pilipinas na binubully natin ang mga testigo. 

Gordon accuses Duterte of lawyering for officials involved in the alleged anomalies in the DOH's procurement.

Gordon also disputes Duterte claim that members of his Cabinet are not involved in corruption.

In refusing to be cowed by Duterte's remarks, Gordon recalls the President cursing at the Pope and ordering police and military to "kill, kill, kill". He also says that "nobody talks to [Duterte] in international conferences" due to his reputation.

Gordon calls Duterte "Attorney Duterte" for lawyering for Michael Yang for being investigated on the Pharmally deal. 

Gordon must not give up his quest for truth in the Pharmally scandal in terms of serving the common good. The law and jurisprudence is on his side. He must do so with fullness of courage, objectivity and political will. 

"Wala pa naman po kaming hinuhusga. TIla baga lumalabas natataranta ang Pangulo. Bakit kailangang kayo ang kailangang magtanggol, Mr. President?" 

Nung nagsimula ang Blue Ribbon binigwasan naman niyo po kami rito sa Senado. ''Wag kayong makinig diyan, walang mapapala diyan sa imbestigasyon na 'yan.' Bakit sa umpisa pa lang nagtatago na kayo?

Ayaw niyong pakinggan ng tao ang imbestigasyon ng COA, ayaw niyong pakinggan ng tao ang imbestigasyon ng Senado. Napapaso po ba kayo?

Kaya hindi sila makasagot, ang tagasagot nila ngayon si Atty. Duterte. Nag-aabogado po si Atty. Duterte ngayon, hindi na siya pangulo ng Pilipinas.

Nagtataka lang ang marami, bakit kayo ang nagtatanggol dito kay Lao na naging kasama niyo sa kampanya. Totoo, sinabi niyo may utang na loob kayo. Pero 'wag naman ho ang utang na loob ay hindi pinapalitan ang katiwalian.

Di niyo po ako mapipikon kasi ako totoo ang ginagawa ko. Iwas kayo ng iwas para sa mga tao niyong nagpapasasa.

No country deserves that kind of leadership. No country deserves your leadership. 

Mahirap kayong tangkilin Mr. President because you do not act like a president. Today, I tell you you are not a president the Filipino people can respect.

Nobody talks to you in international conferences because nauna 'yung reputation niyo na mapagmura, mapusok at talagang sinasabi niyo 'Kill, Kill, Kill.'

Tigilan na natin 'to, Mr. President. 'Wag niyo na ipagtanggol 'yan. Hayaan niyong matapos ito, payag na ko sabihin niyo walang overpricing. Sa pananaw niyong walang overpricing, I will say simple lang: may fraud, may waste, may abuse.

Huwag nang sagutin pa ni Senator Gordon si Duterte. He must stop answering Duterte. He must continue the inquiry in aid of legislation sa Pharmally for the sake of truth and in terms of passing a remedial legislation to reform further the Procurement Law for it to be a catalyst in furthering good governance. Kasi kapag sinasagot pa, what would be implied is yung mga atake pa ni Duterte against him is working. Kaya it is better na huwag nang sagutin so that the attacks will not work and para magmukhang ewan si Duterte sa kakabira sa kanya.




1 comment:

  1. It’s absolutely awesome article. Redspider website development company  is about to tell you that it helped me a lot to understand more. Thank you!

    ReplyDelete