Upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19, isasailalim ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) status mula Agosto 6 hanggang 20. Alinsunod ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 130-A na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng ECQ, hindi pinapayagan ang film, music, at television production at lahat pa ng production activities sa NCR. Ang iba pang ECQ areas mula Agosto 1 hanggang 7 ay Iloilo City, Iloilo province, Gingoog City, at Cagayan de Oro City.
Mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5, ang NCR ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na mayroong “heightened and additional restrictions” at pinapayagan ang film, music, at TV productions na magkaroon ng hindi lalagpas sa 50 katao sa kahit na anong oras pero hindi lalagpas ng 100 katao buong araw.
“In as much as we are hoping for our film and audiovisual industry to bounce back from the many challenges due to the pandemic, production activities in ECQ areas need to be put on hold again as a preventive measure to mitigate the spread of COVID-19, especially its Delta variant,” sinabi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño.
“As for areas under MECQ, GCQ, and MCQ, productions may continue provided that there is strict adherence to the operational capacities and health and safety protocols set by the government,” idinagdag ni Diño.
Ayon sa Memorandum Circular No. 21-14, Series of 2021 ng Department of Trade and Industry, pinapayagan ang film, music, at TV productions at activities na mag-operate ng may 50% capacity sa ilalim ng modified ECQ (MECQ), habang pinapayagan ang mga ito na mag-operate ng may 100% capacity sa ilalim ng GCQ at modified GCQ (MGCQ).
Mula Agosto 1 hanggang 15, ang MECQ areas ay Ilocos Norte, Bataan, Cebu City, Cebu province, Lapu-Lapu City, at Mandaue City. Ang status ng Cebu City at Cebu province ay subject sa mga apela ng kanilang mga pamahalaang lokal.
Ipapatupad ang GCQ with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang 15 sa Cagayan, Ilocos Sur, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Lucena City, Naga City, Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Zamboanga del Sur.
Mula Agosto 1 hanggang 31, GCQ ang status ng Apayao, Baguio City, Isabela, Santiago City, Quirino, Nueva Vizcaya, Quezon, Batangas, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Davao Oriental, Davao del Sur, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, General Santos City, Sarangani, Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato, Cotabato City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.
Isasailalim sa MGCQ ang iba pang lugar sa Pilipinas na hindi nabanggit para sa buong buwan ng Agosto.
Hinihikayat ng FDCP, sa pamamagitan ng Safe Filming Program nito, ang lahat ng film at audiovisual productions na sumunod sa safety at health protocols ng gobyerno. Maaaring mag-register ang mga production sa Safe Filming Program para matulungan at magabayan sila ng FDCP habang nagsasagawa ng production sa new normal.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa safety at health protocols para sa production shoots at audiovisual activities sa gitna ng pandemya, basahin ang DTI-DOLE-DOH JAO 2021-0001 sa http://bit.ly/OmnibusGuidelinesNFVPforCovid19 o bumisita sa www.safefilming.ph.
No comments:
Post a Comment