Some would say Vice Ganda has been an effective representation of the queer community to mainstream media. She's been poor, she's effeminate, she's learning, and she's not perfect. Y'all can say anything about her movies but you can't deny the impact she made to the young queers.
Though Vice Ganda movies never properly represented the LGBTQ community in the Philippines. His films are over hyped just because it is "Vice Ganda" film and the plots aren't even that good. He also doesn't deserve to be in the MMFF every fucking year.
The notion of selling "kwela" to the masses should not equate to poor storytelling.
I can't relate to his movies but I am sure he has inspired a lot of LGBTQ kids in the closet to come out.
I can still remember that moment when they called out Tado on Showtime when he made fun of gay people paying for men. And when they reprised "multong bakla" into "diyosang bakla". They're an icon. Yes, Vice can be problematic and this is not to excuse them but what they did to queer kids to reclaim what has been an insult and transform it to something that is powerful that no one can never use that against gays is very special. Yung mga baklang laki sa hirap, malaki ang respeto kay Vice.
Though any hardworking femme-androgynous gays are just as valid. Vice Ganda alone can’t represent the entire queer spectrum!
"Never naman talaga narepresent ng mga pa-girl ang komunidad kahit sila yung mga unang matatapang na humarap at nagladlad sa entablado.
Kasi di ba, for a pa-girl to represent the community, kailangan BEST. Kailangan perfect, kailangan yung walang malalait.
Acquired taste naman kasi talaga ang mga trans at mga effem. Duh, sa loob palang ng community, grabe na ang internalized femmephobia at transphobia.
Napakadaming Vice Ganda sa loob ng komunidad. Kahit sinong tukling, Vice Ganda ang tingin at turing sa kanila ng mga bastos sa kanto.
For a time, maiinis ka na tinatawag kang Vice Ganda kasi ginagamit itong panukso. Pero nung mas lumubog sila sa komunidad, sa adbokasiya, at sa pulitikal na diskurso, nakita ko na repleksyon si Vice Ganda ng napakadaming baklang sa mata ng mga taong iisa lang ang tingin sa kanilang uri.
Na ang mga baklang pagirl, magaling magpatawa, mang okray, nagwiwig, payat, mahaba ang binti, mukhang kabayo, umaawra ng straight ay iisang hibla ng bakla.
AT NAPAKABIGAT NG OBLIGASYON NILA NA MAGING “DISENTENG BAKLA” PARA LANG PAGING “PROPER” MEMBER NG COMMUNITY.
Ang bigat bigat ng obligasyon ng mga pagirl para i-earn yung pagiging “representation” ng community. Bakit nga ba?
In the first place kung tatanungin niyo ang karamihan, wala naman naghangad sa kanilang maging frontrunner ng kilusan. Gusto lang naman nilang mag trabaho.
Matatanggap pa siguro kung ang puna na ganiyan ay dahil kinapitalize ng mga pelikula ni Vice ang laban ng LGBTQ community. O nang kahit sino mang mga matatandang baklang nauna.
Nakakalimutan kasi natin minsan na meron talagang mga “product of their time” kaya nga ako, hindi ko tinatanggap na yung mga pelikulang nagawa noon na hindi na akma sa panahon ngayon ay walang kahit anong naiambag sa ano mang meron sa panahon natin ngayon.
Pero ang nakakalimutan kasi natin sa issue ng representation, ay yung mga taong nakakita ng gaya nila dun sa pinapanood nila.
Hindi mo naman pwede basta idismiss mga pelikula nila Vice dahil may mga totoong baklang gaya nila na masayang nakikita ang sarili nila.
Jusko, puputulin ko ang kamay ko kung hindi totoong maraming LGBTQ na pag tinanong mo ng “stereotype” eh magdedescribe ng mga qualities ng isang pagirl or worst, isang totoong baklang nasa laylayan.
Tinanggap na natin na yang mga qualities na yan para maging katanggap tanggap eh dapat extra, best, almost perfect.
Hindi sila pwedeng maging mababaw. Kailangan sila ay “diskurso”
Hindi niyo ba alam kung bakit madaming pagirl ang may issue sa BL? Kasi andali dali para sa mga masculine na mga bakla ang magpa-cute at ma-inlove kahit gaano kababaw.
Yung narratives nila kailangan diskurso para tanggapin.
Para sa mga trans, effem, pagirl, hindi ninyo kailangan maging mataas at malalim para maging PROPER AT DECENT representation ng community. Hangga’t sumasalamin sa mga tunay na katangian at kwento ang naratibo natin, gow lang nang gow!
Hangga’t tumitindig tayo sa mga makataong pulitika at pantay na oportunidad para sa lahat, we can represent the community kahit VICE GANDA pa ang itawag sa atin.
Hindi porma o istilo ng pelikula ang magdidikta kung ano ang proper representation sa hindi, kundi ang mga katangian ng isang baklang karakter na sumasalamin at tatawid sa mga totoong tao gaya niya.
Wala kayong kailangan gawin para i-earn na deserving to represent the community. After all, sino ba ang mga unang baklang matatapang na naging visible para gayahin ng midya at gawing karakter sa pelikula?
Oh, the first ever bakla character in PH cinema ay walang iba kung hindi isang flamboyant crossdressing fag.
1954. Imahinasyon ng writer, o may pinag-gayahan?" - Rod Singh
"masyado s'yang baklang kanal"
"masyado syang bakla"
"nagbabayad sya ng lalaki"
these comments why femmephobia and homophobia per se exists in the society especially in the LGBTQ+ community. na naging masama ang pagbabayad sa lalaki. na sobrang mali na maging malambot.
Of all the "types" of gays, trans and femme people had the most struggles because of one thing: heteronormativity. and they broke the norms that the society has been implementing for what? gender roles? stereotypes?
As a masculine gay, you'd rather be represented by a femme gay who most likely experienced the gravity of struggle as you did than a masculine gay whose struggles cannot sum up the level of prosecutions received by the femmes.
I thought the whole point of the rainbow was that there's more than one way to be gay? Why demand homogenous representation of an inherently diverse community? and more importantly, why are you putting that responsibility on Vice Ganda?
It was never her responsibility. The fact that she stood up for herself when she was a nobody, to now that she's The Unkabogable, the story itself is already THE representation for everyone in the community to grow and mature.
No comments:
Post a Comment