Wazzup Pilipinas!
Sama-sama ang buong mundo na may mga pinagdadaanan dahil sa epekto ng COVID. At dahil dito nagiba ang daloy ng mga pang araw-araw nating pamumuhay. Maraming nagsara na kompanya at mga hanap buhay, at marami din sa atin na nawalan ng trabaho. At yung mga may sariling negosyo, ay tinamaan din dahil sa lockdown.
Dahil sa banta ng COVID iniiwasan nating lumabas nang walang plano, hindi pwedeng basta basta makaalis ng bahay at bumyahe ng malayo, at pinagbabawal din ang siksikan at iniiwasang maging matao ang mga pampublikong lugar. At dahil diyan kahit ang simpleng negosyo na pagpapatakbo ng mga sari-sari store at karenderia ay hindi na ganon kadaling gawin.
Sa katunayan, ayon sa mga ginawang pagaaral mga 49% ng mga sari-sari store at 38% ng mga karenderia ay nahirapan ipagpatuloy ang negosyo nila dahil sa hirap ng pamimili ng bentahin. Dahil dito maraming nagsara at ang iba lumiit ang kita.
Naniniwala ang mga economic experts sa bansa na ang sari-sari store ang susi para muling sumigla ang ekonomiya. Sa kanilang pagtataya umaabot sa 13% ang kontribusyon ng mga tindahan sa GDP ng bansa, o humigit kumulang ₱1.5 Trilyon. Ibig sabihin, ang pag bagsak ng mga simpleng sari-sari store at karenderia ay nakaapekto ng malaki sa ekonomiya ng bansa.
Drive Groceries and Billease nag tag-team!
Sa tulong ng Drive Groceries at Billease, mas madaling makakaahon ng mga may ari ng mga sari-sari store at mga karenderia dahil sa progamang, “Puhunan sa Tindahan”, na inaasahan nating maka tulong sa ekonomiya ng mga maliliit na komunidad.
Pag mas maraming malalapit na tindahan na matatakbuhan, mas makakaiwas tayo sa siksikan sa mga grocery at palenke para sa pamimili at pang araw araw na pangangailangan, at makakatulong tayo sa pag “stay at home” na patakaran ng gobyerno upang malabanan ang COVID.
Ang “Puhunan Para sa Tindahan.” ay isang programa kung saan pwede kang makautang nang hanggang ₱40,000 nabhalaga ng paninda sa tulong ng BillEase at ide-deliver naman ang mga pinamili sa bahay mo sa pamamagitan ng network ng Drive Groceries na walang delivery fee. At lahat ng yan magagawa mo nang walang kahirap hirap gamit ang chrome app sa smartphone o sa computer mo saan ka man sa Pilipinas.
Drive Groceries Online
Pumunta lang sa groceries.drivemanila.com para sa online grocery shopping. Mag add to cart lang ng mga napiling paninda mula ₱5,000 hanggang ₱10,000 sa inyong unang loan. Pagkatapos ng check out, piliin lang ang “Pay with BillEase,” bago i-finalize ang order. Makakatanggap kayo ng email na may invoice at instructions mula sa Billease.
Sa loob lamang ng 24 oras sa pag submit ng requirements ay aprubado agad ang loan mo at asahan ang next day delivery ng pinamili mula sa Drive Groceries. Maari ding gamitin ang Drive Groceries para mai-schedule ang mga susunod na pamimili na maaaring umabot sa ₱40,000.
Layunin ng Drive at BillEase na makatulong sa ating mga mumunting negosyante para sabay sabay tayong makaraos sa malaking pagsubok na dala ng COVID, at kamakailan lang kasama na ang pananalanta ng bagyong Ulysses. Sa hirap ng buhay ngayon, mabuti at may maasahan tayong tulay sa kabuhayan.
Kung mayroon pa kayong gustong malaman, sundan ang link na to:
https://web.facebook.com/drivegroceriesph/posts/228372285470875
Post a Comment