Thursday, November 19, 2020

Ang Ruso ay binigyan ng mataas na grado sa kumpiyansa bilang tagagawa ng bakuna


Wazzup Pilipinas!

Inilathala ng Direktang Pondo ng Pamumuhunann ng Ruso (RDIF o Russian Direct Investment Fund, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) ang mga resulta ng survey ng 12,000 tumugon mula sa 11 bansa tungkol sa pagbabakuna laban sa coronavirus at mga mas gusting piliin mula sa mga mapagpipiliang bakuna. Ayon sa mga resulta ng survey, 73% ng mga tumugon ay gustong mabakunahan laban sa coronavirus, habang ang bilang ng mga may kaalaman sa bakunang Sputnik V ng Ruso at nais mabakunahan ay mas mataas pa – 4 sa bawat 5 tumugon. Ang pagtaas ng proporsyon ng mga may kaalaman sa bakuna ng Ruso at nais mabakunahan, ay nagpapakita ng, bukod sa iba pang mga bagay, ng mas mataas na antas ng kumpiyansa sa Ruso bilang tagagawa ng bakuna sa buong mundo.

Ang plataporma ng adenoviral vector sa tao kung saan nakabatay ang bakunang Sputnik V ay halos siyam na beses na mas maaasahan kaysa sa platamorma ng adenovirus na hindi pantao.

Isinagawa ang survey mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 19 ng YouGov, isang nangungunang pangkat ng pagsasaliksik ng datos at pagsusuri sa Reyno Unido. Kasali sa survey ang mga tao mula sa Brasil, Byetnam, Ehipto, Indya, Indonesiya, Malaysiya, Mehiko, Nigerya, UAE, Saudi Arabia at Pilipinas. Higit sa 2.5 bilyong tao ang naninirahan sa mga bansang ito, o higit sa 30% ng populasyon sa buong mundo. Ang survey ay naging isa sa pinakamalaki para sa paksang ito at ang unang pandaigdigang survey na kinasasangkutan ng mga bansa sa Gitnang Silangan at Timog Silangang Asya.

Ang survey ay isinagawa bago ang anunsyo na ang bakunang Sputnik V ay 92% epektibo sa pagprotekta ng tao mula sa COVID-19, ayon sa mga pansamantalang resulta ng pagsubok.

Mga Pangunahing Resulta ng Survey sa Pilipinas

• Karamihan sa mga kalahok sa pagsubok ay positibo hinggil sa pagbabakuna laban sa coronavirus (68% ng mga na-survey).

• Higit sa kalahati ng mga tumugon (55%) may kaalaman sa bakunang Sputnik V ng Ruso.

• Ang Pilipinas ay may mataas na kumpiyansa sa bakunang adenovirus sa tao (plataporma ng Sputnik V) dahil 12 x na mas marami sa mga tumugon na mas gusto ang bakunang adenovirus ng tao kaysa sa bakunang may plataporma na adenovirus na hindi pantao. 

• Ang Ruso ay binigyan ng grado bilang pinakamapagkakatiwalaang tagagawa ng bakuna, na may 26% boto na mas nangunguna sa Estados Unidos (23%) at Tsina (7%) sa mga bansang gumagawa ng bakuna; ito ay kinilala ng mga tumugon bilang nangunguna sa pinakamapagkakatiwalaan. 

▪ Hinggil sa kabuuang bilang ng mga pinagkukumpara para sa pinakamapagkakatiwalaang bansa (ang bawat isang tumugon ay nagbanggit ng tatlong bansa), ang mga nangunguna ay Estados Unidos, Ruso at Tsina na may 52%, 43% at 27% ng kabuuang boto ng mga tumugons, ayon sa pagkakabanggit.

No comments:

Post a Comment