Alinsunod sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magbukas ng mas maraming ruta ng nga pampublikong sasakyan, nagbukas ang LTFRB ngayong araw, 16 Oktubre 2020, ng karagdagang ruta ng mga provincial buses mula Pampanga at Davao patungong Metro Manila.
Ito ay ayon sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng buong Gabinete na aprubahan ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na naglalayong makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.
Nakasaad sa Memorandum Circular 2020-051 ang pagbibigay-daan ng LTFRB sa pagbubukas ng Provincial Bus Routes papasok ng Metro Manila. Bawat ruta ay dumaan sa masusing pag-aaral ng ahensya at sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.
Narito ang mga binuksang provincial bus routes:
1. Dau, Mabalacat, Pampanga - Araneta Center, Cubao
2. Davao City, Davao Del Sur - Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna
Mayroong 5 units para sa ruta ng Dau, Mabalacat, Pampanga papuntang Araneta Center, Cubao, samantalang 14 units naman ang pinayagan para sa ruta ng Davao City, Davao Del Sur hanggang Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna.
Mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad ng 7 COMMANDMENTS para sa mga PASAHERO, DRAYBER, OPERATOR at KONDUKTOR ng pampublikong transportasyon:
1. Magsuot ng face mask at face shield
2. Bawal ang pagsasalita, pakikpag-usap o pagsagot ng telepono
3. Bawal ang pagkain
4. Kailangang may sapat na ventilation
5. Kailangang may frequent disinfection
6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger
7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing (one seat apart)
Ang mga health and sanitation protocols na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng mga health experts na kinakailangang isapuso at sundin ng mga pasahero, driver, konduktor, at maging ng mga operator.
Patuloy na magbubukas ang LTFRB ng mga bagong ruta ng PUV sa mga susunod na araw.
#DOTrPH🇵🇭
#LTFRB
#RoadSectorWorks
Post a Comment