Thursday, September 24, 2020
DOTr: Anong choice mo? Sa MAAYOS o MAGULO?
Wazzup Pilipinas!
Anong choice mo? Sa MAAYOS o MAGULO?
Gusto ba nating manatili tayo sa sistemang magulo, siksikan, agawan, may mahabang pila at matagal na paghihintay sa mga pantalan upang makabiyahe o makapagpadala ng kargamento?
Kailangan ba tayong magtiis at magtiyaga dahil magulo ang sistema?
Nakakadagdag ito ng stress at gastos!
O, gusto ba natin ng isang maayos na paraan ng pagbibiyahe, kung saan pagdating natin sa port area ay komportable na lang tayong sasakay sa barko, dahil bago pa man tayo umalis ng bahay ay may ticket at sure seats na tayo?
Kailangan pa bang i-memorize yan?
Bahagi ng plano ng Maritime Sector ng Department of Transportation, sa pangunguna ng Philippine Ports Authority (PPA), ang pagpapatupad ng isang Unified Electronic Ticketing System.
At malapit na itong maisakatuparan!
Sa isang public demonstration at test run na isinagawa kamakailan sa Port of Batangas at Port of Calapan, ipinamalas ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago ang malaking pagbabago at kaginhawaan na maidudulot ng Unified Electronic Ticketing System para sa mga pasahero, port personnel, at iba pang stakeholders.
Kabilang sa benefits ng sistema ay ang mga sumusunod:
1. Malaking bawas sa pagpila at paghihintay sa loob ng mga pantalan;
2. Mas mabilis na transactions na magbubunga ng improved productivity;
3. Malaking bawas sa human-to-human contact kaya iwas-hawa sa COVID-19;
4. Mawawala ang mga iligal na practices tulad ng "fixing," “scalping” o "under the table," sa mga transactions.
5. Mas ligtas na ang mga biyahe dahil tiyak na ayon ang bilang ng pasahero sa kapasidad ng barko kaya’t walang overloading; at
6. Mas episyenteng port services na mas makakatugon sa iba't ibang pangangailangan ng mga pasahero at mga negosyante.
Ang Unified Electronic Ticketing System ay isang malawakang proyekto para sa mga pantalang saklaw ng PPA sa buong bansa. Hangad ni PPA GM Santiago na maipatupad ito sa lalong madaling panahon, habang limitado pa ang operations dahil sa pandemya 'pagkat walang interruption sa pagpapatupad. Higit pa rito, mas magiging madali ang transition sa oras na regular na ang biyahe.
Isa ang PPA sa mga pangunahing ahensya na daliang tumatalima sa direktiba ni DOTr Secretary Arthur Tugade na magsagawa ng mga digital transformation sa mga work processes at systems, bilang bahagi ng “new normal” at upang maisulong ang ease of doing business.
Matatandaang kamakailan lamang ay inilunsad ng PPA ang paggamit ng Electronic Payment Portal o EPP, kung saan maaari nang magbayad online kahit nasa bahay ka lamang. Layunin ng programa ang mas mapabilis at mas maging efficient ang pagbabayad para sa mga transaksyon ng ahensya.
No comments:
Post a Comment