Thursday, August 20, 2020

Why Am I Sort of Homophobic?


Wazzup Pilipinas!

Bata pa lang ako ay ang dami ko na naranasan na pangbubully.

Elementary days, madalas akong tawaging "bakla" dahil majority kasi ng mga kaibigan ko noon mga babae. Malamya daw ako kumilos na Parang Hindi makabasag-pinggan. Mga classmates ko kasing lalaki karamihan ay puro takbuhan kapag recess at Kung ano-ano ginagawa kapag walang teacher. One time may isang classmate nga ako na pilit akong pinapaamin na bakla ako. Nung pumalag ako ay binuhusan ako ng tubig sa aking short. Para tuloy akong naihi sa uniform. Pinagtawanan nila ko ng todo-todo. Hindi naman ako makapagsumbong sa aking teacher dahil baka lalo akong pag-initan ng kaklase ko.


High school days, because I was studying in a Catholic School managed by the church, nag join ako sa Youth Marian Crusade, tapos sumali rin bilang school newspaper artist dahil hilig kong mag-drawing at mag join ng competitions. Still, "bakla" pa rin tukso sa akin. Kahit noong sumali ako na mag-aral ng Taekwondo, hinahamon pa rin ako ng away ng ibang classmates ko. Pilit nila pinapatunayan na "bakla" daw ako. Mas malaki yung kumalaban sa akin at ayoko namang manakit, kaya ayun inumpog ako sa gate na bakal ng pagkalakas-lakas. Wala akong nagawa kundi lumayo na lang habang inaawat na siya ng ibang estudyante. Ang laki ng bukol ko noon  pero hindi ako nagsumbong sa aking magulang at pumasok pa rin ako kinabukasan. Parang wala namang pakiramdam mga teachers namin noon.


Nung college days medyo naiba na. Natuto na akong maglamyerda. Madalas sa Makati doon sa Glorietta at Greenbelt. Madalas kong puntahan ay mga bookstores at yung mga branches ng Book Sale para maghanap ng mga second-hand magazines at books about pop culture -comics ng Marvel, DC, graphics novels ng Doctor Who, mga magazines about similar topics. Ang kaibahan ngayon ay may mga bakla na lumalapit sa akin. Minsan nasa SM ako, may lumapit na bakla at nagpakilala... Maya-maya ay nagyaya sa akin na manood ng sine tapos kain daw kami sa restaurant after. Nagmamadali akong tumanggi at umalis. Another instance, nasa Robinson's Galleria ako at nanood ng sine mag-isa ay may lumapit na bakla at umupo sa tabi ko. Hinawakan ba naman ang hita ko at niyayaya akong pumunta ng CR. Lumipat ako ng upuan pero sumunod pa rin siya. Kaya napilitan akong hindi na tapusin ang movie at lumabas na ko ng sinehan...pero dahil naiihi ako ay dumaan muna ko sa CR. Habang umiihi ay napalingon ako sa akin likuran dahil naroon pala yung bakla. Hinawakan ako sa balikat at pilit akong ipinapasok.sa cubicle. Pumalag at tumakbo na ako palabas ng sinehan dahil sa takot. Hindi naman ako makapagsumbong dahil Wala naman akong nadaanang security guards


At dahil working student, first as Student Assistant sa Mapua during enrollment period then as service crew for fastfood chains (Tropical Hut, then Jollibee, then Pizza Hut palipat-lipat dahil hindi sila nag reregular ever since), nakakatulog na nga ako sa class dahil from afternoon to early morning (madaling araw at 1am) ang shift ko and have to wake up early to go to school. Sa jeepney naman ako naiidlip. Minsan nga hindi ko namalayan na natangay na pala yung singsing at kuwintas kong binigay sa akin. One time dahil sa antok, nakatulog ako sa quarters namin sa Jollibee, nagising na lang ako bigla na may nakadagan sa akin. Siya yung baklang team leader na mahilig manantsing. Pilit Niya kinukoskos Ang kanyang ari sa ari ko. Sinumbong ko yun sa management pero pinagtawanan lang ako na parang maliit na bagay lang yung ginawa sa akin.


When society accepted gays and many of them were now openly coming out of the closet to reveal their true inclinations as a third sex, I have to admit I got worried. Dumadami na kasi sila on national television, social media, creative industries, etc. na parang naging normal na yung maging bakla when it was considered before as a mental problem. Society has shifted it's perception of them and normalized them as part of society.

Kaya siguro may pagka homophobic ako ngayon dahil sa mga experience ko sa mga bakla noon. Pilit ko namang kinakalimutan ang mga pinagdaanan ko pero my subconscious is probably the one that is dictating never to trust gays.

I can accept them for what they are but they should not demand for special treatment. They should not demand for gay marriage. They should not demand to use the ladies restroom. They should not demand for any special perks or privileges.

Not all gays are bad, but majority are abusive and disrespectful.

No comments:

Post a Comment