Sunday, August 9, 2020

Vincentiments Kung Pwede Lang Angst Against Teachers and Online Classes

Wazzup Pilipinas!

Bato-bato sa langit, ang tamaan, mag-rage sa comments section.

"Our teachers do not deserve this disrespect."

The University of the Philippines College of Education Student Council came to the defense of teachers as it denounced VinCentiments' controversial short film depicting a student’s perspective on online classes.

Vincentiments videos has only one theme. A hypothetical "Sticking it to the man" moment for the oppressed main character.

KPL stands for "Kung Pwede Lang" which means you have a rants/complains that you want to unleash but it always end up into "wag nalang" and always link in wanting for possibilities to rant "Kung Pwede Lang", so bali ang ending po ay di talaga siya nagrant, guniguni niya lang yun or yun yung tumatakbo sa isip nung character na pinoportray ay student, then my trilogy po siya, don't just stick in student's side video may resbak po ang teacher and parents!

It never happened. The rant never happened. It's all on the student's head. You should know that, you saw the video.

The video is not about the teacher.
It's about the student's struggle.

If you wanted to have the teacher's side, that's for another video. Maybe the teacher could have another hypothetical rant to his Principal/Supervisor.

Understand that it is the student's perspective.

If you only hear the insults, maybe you're not listening enough.


Though, mali din talaga yung content ng video. Direkta sa mga teachers ang tama eh. At hindi dapat binibigyan ng ganoon na thinking ang mga estudyante natin.. Halos lahat naman tayo mas gusto na suspend na lang muna ang school year para sa lahat. Pero hindi ako sang-ayon sa ginawang short film na yan. Nakakalungkot dahil ang mga guro natin ang tinamaan.

Choosen by the parents or guardians ang type of learning modality na ituturo either online or modular lang. Kaya po may survey form noon bago ang enrollment. Hindi naman po pinipilit lahat mag online class. May other options po ang DepEd. Sana chineck yun ng scriptwriter/director.


Galing sa totoong scenario ang kwento. Huwag masaktan ang education sector dahil totoo napanuod nyo. Hindi nyo naman pinipilit magenroll ang students ng online pero nasa inyo ang lahat ng baraha. Sila yung madedelay. Hindi alam kng kelan matatapos ang pandemya at online tlga ang direction.

Madami kasing balat sibuyas sa Pinas.. Number one tayo sa kadramahan.. Sobrang seryoso.. Nakakatawa nga yung content for many. Exaggeration ng normal reaction ng karamihan. It was all in the mind.



Pero kahit pa sabihin nila na may resbak video ay wala din kuwenta. Hindi lang ito tungkol sa pagpapakita ng mali sa sistema na tulad ng gusto nilang iparating isa lang syang maliit na parte ng nagawang problema ang masakit ay ang pagpapakita nila ng kabastusan na hindi naaayon sa kultura nating mga Pilipino.

Ganito na ba tayo? Na kahit kabastusan na ang ginagawa ng mga kabataan, meron pa ding natutuwa at sunasangayon? Masakit isipin na ganito na pala tayo kung may mali man sa sistema hindi ito maitatama ng pagpapakita ng kabastusan at paggawa ng mali sa ngalan daw ng art at freedom of expression. Nadamay pa si Rizal sa paggawa ng kabastusan ng mga kabataang parang sanay na sanay magsalita ng pagmumura at magpakita ng kahalayan. Sana hindi ito gayahin ng iba pang kabataan. Sana matuto ang lahat na ikondena ang mga ganitong gawi na sisira sa dangal ng lahat na Filipino. Sana hindi maging ganito mga estudyate. Sana hindi maging mga ganito ang mga anak natin.

To disrespect the teachers, that to me is very low. You make so many excuses pero deep inside tamad lang talaga kayo pumasok. These teachers are working kahit kayo ay vacation mode. Sila ay gumagawa ng lesson plans para sa online classes and modules for those na hindi kaya mag internet. You give your hats off to them.

Does this only show reality & healthy way of expressing freely? Huwag lang sana lahatin kasi sila pa rin ang mga ikalawang gabay ng mga anak natin sa labas ng bahay.

No comments:

Post a Comment