BREAKING

Sunday, August 9, 2020

Rampant Overpricing on Plants, Pots And Gardening Accessories, Sellers Taking Advantage of the Hype



Wazzup Pilipinas!

Wow $15 is ₱750 only if converted to peso! Iniimport pa yan from tropical countries to USA kasi siyempre tropical plant ang Monstera Delisciosa. Yung price dito satin masyado na yatang garapalan!

It's disappointing how plants that are so common here can get so pricey just because predominantly white people/westerners are so entranced by them at puro ganun yung mga nakikita online ng mga tao. Like sobrang hype sa kanila. It's marketing din.

Kung walang bibili ng overpriced wala din magtitinda ng overpriced. Or next plant nalang dami naman dyan iba. May bumibili pa din kasi kahit mahal kasi uso. Kung wala ng bumibili bababa ang price niyan.

Lahat naman tumaas like Nintendo Switch and other consoles basta libangan. Nakita rin kasi ng mga nursery sa online kung paano magpricing mga resellers kaya tinaasan nila benta na din. Kaya mahal na din kuha ng mga nagbebenta sa store like sa Silang at Calamba sa mga nursery, yan sabi sa akin ng mga nagbebenta doon. May samahan din yung mga nagbebenta ng halaman na may tindahan.. may SRP sila na pinag-uusapan.



Before pandamic may tig P850 sa Cartimar medyo malaki na din. Namahalan pa ako noon at hindi ko binili. Sayang! Sana binili ko na. Lol. Pero madali lang i-propagate yan so wait lang tayo 3 months madami na magbebenta ng mura. Palipasin lang yung hype.

Gets ko naman din. A lot of these people try to bring in nature into their urban abodes and they genuinely get excited over new finds. A lot of people say din na "madali lang" alagaan mga ganito, mga ganyang halaman when each plant kind of has its own personality and quirks. Parang makahiya natin, pati mangga, pandan.

I mean nung una, sooobrang common ng mga halaman na 'to. Now, gets ko naman na may mga ok na seller that sell really established plants at ineffort talaga nila yung pag-alaga, but meron talagang mga OA eh hindi naman maganda yung medium na ginamit, kakarepot nila, may disease, etc. Yung iba nga mislabel pa. Jusko talaga. Hi sa snake plant at monstera people haha hay dami ko pa pwede i-vent pero kailangan ko matulog hahaha.

Garapalan na nga ang price. Ang nagpataas ng price (sorry pero base sa experience ko when trying to buy plants at physical store) ay mga online sellers. Lagi sinasabi sa physical plant stores sa online shops nga ganito ganyan ang price niyan. Parang online sellers ang nag seset ng price. May time nasa physical plant store may nakita ako kuha lang ng kuha ng pic and then ipopost online. I heard someone asked the name of her online shop, so out of curiosity I checked out her online shop grabe 4 to 5x na ang price niya. Sayang kasi nawalan ng gana yung iba to start gardening kasi ang mahal mag start.

Ang purpose sana nang pagstastart nang gardening at indoor planting ay to relax and help everybody to cope up on what is happening pero ang nangyayari ay naging sobrang garapalan at hindi na accessible sa karamihan. Yun ang nakakalungkot. Plants are supposed to help us regulate our stress level and keep us all sane in this trying times.

Sinasamantala na ng sellers ang hype, in the first place kaya nagkaroon ng ganitong hype with gardening is because people are coping with everything that is going on. Instead na ma relax ang tao lalo na istress sa price and not to mention pot sellers. May nabili akong clay pot 40pesos lang pero online 200 grabe 5x . Ok lang tumubo, kailangan natin kumita pero wag nmn sana abot langit ang tubo. Samahan naman sana my konting puso kapag mag presyo. liit tubo = dami benta = laki kita

Anyway, at least may mga ok na community ngayon where people can check if justifiable ang 30k na halaman. I mean, kung afford mo, ok, but if it has to come down between a plant or pambayad sa tuition, etc. gurl... choices.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT