Friday, August 14, 2020

Matteo and Sarah Guidicelli Explains High Electricity Bills for Meralco

Wazzup Pilipinas!

"Tulad ng iba, nagtaka sina Sarah G at Matteo G sa kanilang Meralco bill. Pero ngayon, G na G na sila magpaliwanag!"

Mga artista pa talaga pinagpaliwanag ninyo #MERALCO, huwag naman ganun huwag estimated reading sa metro! Mga kamote kayo!

Ang tanong! How much ang binayad na talent fee kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo para mag-explain for Meralco?

Itong dalawa na ito lang pala ang makikinabang sa minagic na bill. Mayaman na pinayaman pa sa TF nila. Kahit sino pang Poncio Pilato kunin ninyo na magpaliwanag walang maniniwala!! Imbes ibalik ang minagic ninyo sa mga consumer, binigay ninyo pa sa kanila. Hay buhay!!!!!

Yung TF na binayad nyo sa dalawang yan, kung nireimburse nyo yung magic na ginawa nyo sa mga billing namin baka natuwa pa kami ng konti sa inyo. Porke't monopolyo nyo ang kuryente kung magmagic kayo 110%!! Hindi na kami magtataka kung kompanya nyo na sunod na mapasara!! Nakikisabay pa kayo sa pahirap sa Pilipino!! Peste!


Next bill may additional payment na naman idagdag alam na. Yung system loss nga  kinakarga sa customers, lalo pa binayad dito na ilang milyon panigurado.

Lahat ng kompanya rin ni Pangilinan ganyan ang style, mas gusto pa gastusin sa propaganda ang pera kesa gamitin para ayusin ang serbisyo at makatulong sa Pilipino, tingnan nyo yung smart kumuha ng mga Korean star para lang sabihin na fastest daw ang Smart. Foreigner kasi talaga may-ari kaya hindi concerned sa Pilipino.


Would you believe this explanation as coming a guy who did a careless unboxing and involvement with The Pop Stage issue, of course the same couple who tried to hide their marriage from the lady's mother?

Ang meralco ay mas matindi pa sa Covid-19. Grabe ang virus nila sa pagnakaw ng pera ng Pilipino at walang gamot diyan kundi government take-over na mismo!

Sana kunin na kayo ng gobyerno! Wala kayong kuwenta! Takot na takot kayo malugi ng isang buwan eh trillion naman ang kinita nyo sa amin.


No comments:

Post a Comment