Friday, August 21, 2020
Isko Moreno Slams Establishments With Products Declaring Manila as Province of China
Wazzup Pilipinas!
Manila Mayor Isko Moreno slammed the business establishment that described Manila as the “Province of China” on the packaging of one of its beauty products.
The city mayor immediately ordered the closure of the said store, and a few more doing the same.
"Hindi po natin papayagan na para bang inaangkin ang ating malayang bansa o ang Lungsod ng Maynila.
Ang Binondo ay bahagi ng Maynila. Ang Maynila ay bahagi ng Pilipinas. Ang Maynila ang kapitolyo ng bansa. Hindi ito probinsya ng China, at hindi kailanman naging bahagi ng China.
Hindi po ako governor ng China. Mayor po ako ng Maynila, Pilipinas. No way na harap-harapan niyong aalipustahin ang aming lungsod. Hangga't ako ang Mayor ng lungsod, you have no place here. Hindi po ito katanggap-tanggap sa akin bilang Pilipino, bilang Manilenyo." - Manila Mayor Isko Moreno
“Umasa kayo na itong limang may-ari ng nasabing kumpanya — Elegant Fumes Beauty Products Inc. ay hindi na po makakapagnegosyo sa Maynila. Dalawa sa lima ay mga Chinese national,” Moreno said.
Big check, Yorme! Inangkin na nga nila karagatan natin tapos pati ba naman sarili nating lupa maghari-harian pa sila! Ayaw ninyo sumunod sa batas, layas at doon kayo sa bansa ninyo! Yorme to Chinese nationals in the Philippines: Follow our laws or face deportation.
Mabuhay ka, Yorme, sana dumami pa ang katulad mo na may paninindigan at pagmamahal sa bansa.
But I hate to break it to you, Yorme, pero yung mamang bastos sa Malacanang ang nangunang magsabi na Province of China tayo. Watchuganado about it Yorme? I like you so much but it's about time you cut ties with the madman in Malacanang.
Buti ikaw #yorme may malasakit sa Pilipinas. Yung iba diyan, ipagtatanggol pa. Bukas sa balita, ipagtatanggol pa ni Roque iyang may gawa niyan. Mapapa tsk tsk ka na lang talaga.
Nabuhayan po kami ng lakas ng loob at sa wakas may gumawa at ipaglaban ang Pilipinas.
Pero sana po, hinde lang ‘to pakitang-gilas at mema lang. Kung ikaw nga talaga yan pra sa bayan.
Kung hindi siya tatakbo sa pagkapresidente, sana yung tumakbo katulad rin niya na nakikinig sa hinaing ng kanyang nasasakupan.
Expired na yung isa kaya kailangan nila ng “bagong bayani” kunware para susunod.
Nawa’y panindigan ni Yorme ang kanyang mga binitawang salita at hindi lumihis ng landas.
Yorme Isko Moreno and Vico Sotto: two mayors of their respective cities are the real leaders of our country. We are so proud of them!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Post a Comment