Tuesday, May 19, 2020
Bakit Kami Galit? Sa Gobyernong Walang Malasakit!
Wazzup Pilipinas!
Ganito kasi 'yon mga ulagang ddshit.
Nung nanggagaliiti kami na ilockdown ang Pilipinas at pigilan ang pagpasok ng mga tao galing sa Mainland, hindi tayo pinakinggan at tinawag pa tayong racist. Inisip pang baka sila ma-hurt. Pinagyabang pa ng gobyerno na 3 lang ang kaso natin ng Covid-19 kasi ang galing galing nila.
Finally, natauhan ang engot na gobyerno, at naisipang mag ECQ, sinabi nila eto ay para mag flatten ang curve. Ibig sabihin ng flatten the curve ay bumaba ang bilang ng may sakit hangang hindi na eto epidemya at kakayanin na ng ating mga hospital na kontrolin ang sakit hanggang tuluyan na siyang mawala pag dating ng vaccine at ng tamang kagamutan dito.
Marami sa atin ang sumunod. Nagkulong sa bahay. Nagcooperate. Maraming nagutom. Nawalan ng trabaho, iba temporarily, iba permanently. Pero sige lang. Cooperate lang. Para maging kasama sa solusyon at hindi parte ng problema. Nagtiis. Para maflatten ang curve.
Yung dalawang buwan na ECQ ay ang panahon para mag mass testing. Ang mass testing ay paraan para mahiwalay ang may sakit sa magaling. Ang ECQ ay paraan para mapigil ang transmission ng virus at para bumaba ang bilang ng may sakit. Importante eto lalo na sa Covid-19 dahil mahaba ang panahon na maari tayong carrier kahit wala tayong nararamdaman na sakit.
Ang ambag ng citizens ay to stay at home unless frontliner ka sa mga essential services. Maraming dinagdagan ang ambag nila by donating and organizing para sa mga taong walang makain at para sa mga PPE ng mga frontliners. Maraming citizens ang nag-ambag ng pagod at buhay nila.
Ang ambag ng gobyerno ay:
1) bigyan tayo ng tamang inpormasyon
2) tugunan ang pangagailangan ng tao, lalo na ang pagkain
3) tulungan ang frontliners at siguraduhing hindi sila magkakasakit at magagawa nila trabaho nila; kasama dito ang pagprovide ng transportation sa kanila para makarating sa trabaho
4) mag mass testing ng mga PUI at PUM
5) gawin lahat ng kaya nila para mapagaling ang may sakit at maflatten ang curve
Naglaan sila ng 380 billion pesos para magawa nila ang ambag nila. Iba ay galing sa treasury natin. At ang iba ay inutang.
Pagkalipas ng 2 months, nagawa ba nila ambag nila? Oo. May nagawa rin naman sila. Nadistribute ang parte ng budget sa LGU at nakapagpamigay ng ayuda. Dun sa mga nasa listahan ng mga pasado sa qualifications. Nakapag-testing naman. Ng mga senador at ng mga kamag-anak nila. Nakapagbigay ng mga PPE na high end at bongang bongang 6,000 pesos each. Medyo huli na nga lang dahil naunahan pa sila ng mga pribadong grupo. Sa panahong eto, nagawa pa nilang isara ang ABS CBN at magpaimbestiga ng mga nega sa social media. Anyway, ang haba ng kwento, pero sumatutal, hindi nakapag mass testing.
At ngayon, dahil sa pressure ng mga negosyante, at dahil na rin kailangan na talaga ng ibang taong magtrabaho, ang ECQ ay naging MECQ. At sasabak ang marami kahit hindi naman nag flatten ang curve (hindi natin alam ano ba talaga ang shape ng curve kasi ang labo ng data).
At nung tinanong si Harry Roque kung paano na ang mass testing, bahala na raw ang mga korporasyon. Bahala na tayo. Kanya kanya nang testing. Kanya kanya nang paraan para mabuhay. Parang yung sagot ni Duts sa WPS issue, sa drug war failure, at sa jeepney drivers, bahala na tayong lahat at wala siyang pake kung mamatay tayo. Wala na silang magagawa. Hindi kinaya ng bilyones nilang makahanap ng solusyon. At tayo na ang magbabayad ng tests natin at para sa iba, nang buhay nila.
Kaya ako galit. Galit na galit. Nagtiis tayo para sa wala. At marami na namang magkakasakit at mamatay na Pilipino.
Galit ako. At kung ikaw, hindi ka galit, ibig sabhin ay okay lang sa iyong patayin, lokohin, at pangnakawan ka. Ibig sabihin wala kang pake dahil feeling mo hindi ka affected. At kung hindi ka galit at hindi ka magrereklamo ngayon, ay wag na wag kang magrereklamo kung may langaw yung order mo sa resto, kung kulang sukli mo, kung niligaw ka ng taxi, kung lokohin ka ng jowa mo, kung sobrang init ng panahon, kung ayaw mo ng ending ng pelikula, kung ang ingay ng kapitbahay mong navivideoke, kung inaapakan ang paa mo sa MRT, kung pangit ang gupit mo. Kasi tinanggap mo na at linunok lahat ng taeng binigay sayo ng gobyernong eto. Tinanggap mo nang mamatay ang kapwa mo Pilipino. Tinanggap mo nang babuyin ka, gutumin ka, apihin ka, isugal ang buhay mo, at isakripisyo ang mga anak at apo mo sa pagbabayad ng utang habang ang mga may dala sa atin ng sakit na eto pa ang kinampihan ng presidente mo. Wag na wag kang ever magrereklamo dahil tinanggap mong wala kang kwenta, walang kwenta ang buhay mo at ang pagiging mamayan mo.
Galit na nga ako sa gobyerno, galit pa ako sa mga nagpapagagong tulad mo.
John Wilfred Soriano
No comments:
Post a Comment