Wednesday, April 1, 2020

Teachers as COVID-19 Quarantine Checkpoint Frontliners



Wazzup Pilipinas!

What if mga guro ang taga bantay sa mga checkpoints??!!!

Gusto nyo teacher ang magbantay sa check point ha? try natin kung my maglakas loob pang lumabas nito.

Pag teachers ang nasa checkpoints....

"Ok guys get one whole sheet of pad paper and do the following. "
(Depende kung anong Subject na hawak ni Teacher)

TLE: Gumawa ng angkop na budget para sa iyong pamilya na kakasya sa loob ng isang linggo. Gawan din ng Daily Menu ang inyong lulutuin Lunes hanggang Linggo, mula agahan, tanghalian at hapunan.

ENGLISH: Explain, in 500 words, why we should let you in despite the possible risk of covid19 contamination.

SCIENCE: Perform an experiment showing the entrance of corona virus in human body and Infer which system/s or organs of your body would be greatly affected if you will be infected by covid19. Illustrate through diagram the effects of the virus in your body.

FILIPINO: Gumawa ng sanaysay at ipaliwanag ng malinaw kung bakit hinihigpitan ng mga kinauukulan ang pag labas-masok ng mga tao sa kani-kanilang tahanan. Ano rin sa palagay mo ang kahalagahan ng social distancing?

MATH: Estimate the rate of contamination if there are 100,000 individuals in the area and two among them are possible covid19 infected persons. Write your mathematical solutions.

AP: Ilahad ang mga eksaktong  detalye kung kailan,  saan at paano nag simula ang Covid19 pandemic. Banggitin din ang mga bansang apektado na at ilahad ang datos na bilang ng mga infected at namatay sa bawat bansa.

MAPEH: Maglahad ng posibleng magandang musika at kaakibat na ehersisyo nito para sa mga kababayan nating nka Home Quarantine upang masiguro ang kalusugan ng bawat isa.
Gumawa ng talaan ng ehersisyo na naaangkop sa bawat bahagi ng katawan. Banggitin kung gaano ito kahaba at kadalas gawin.

ESP: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntuning ibinibigay ng mga nasa awtoridad. Ilahad ang maaaring maging epekto ng pagsunod at di pagsunod sa mga abiso/alituntunin sa iyo at sa iyong kapwa.

Guys if you are already done, kindly wait for a few minutes while we check and validate your answers. Your entry shall depend on your score. 75% is the passing mark.

Credit to the owner

No comments:

Post a Comment