BREAKING

Thursday, September 26, 2019

Prangkisa ng 20 PUV Operators at Drivers na lLumahok sa Welga Noong 2017, Kinansela ng LTFRB



Wazzup Pilipinas!

Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawampung (20) Certificates of Public Convenience (CPC) ng mga Public Utility Vehicle operator at tsuper na napatunayang lumahok sa transport strike na pinangunahan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) noong 2017.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin B. Delgra III, ang pagsali sa tigil-pasada ay tahasang paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004, na nagsasaad na ang paglahok sa anumang klaseng protesta na magdudulot ng abala sa mga pasahero ay isang paghamak sa prangkisang iginawad ng pamahalaan sa mga operator.

“Lumabag sila noon, harapin nila ang kinahinatnan ngayon. Hindi kami mangingiming ipatupad ang kautusang ito dahil hindi isinaalang-alang ng mga nagtigil-pasada ang kapakanan ng mga pasahero. Ang laki ng aberyang dinulot nito sa publiko,” ani Chairman Delgra.

Samantala, inatasan naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang LTFRB na siguruhing mananagot ang mga operator na lalahok sa napipintong transport strike na inorganisa ng mga miyembro ng PISTON at ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Lunes, ika-30 ng Setyember 2019, bilang pagsalungat sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

“Ang prangkisa, pribilehiyo ‘yan at hindi karapatan. Nakasaad sa pribilehiyong ‘yan ang responsibilidad ng operator na bigyan ng komportableng biyahe ang kanyang pasahero. Kung magtitigil pasada sila, sinong kawawa? Pasahero. Sana maisip nila ‘yon,” giit ng Kalihim.

Pinasalamatan naman ng DOTr at ng LTFRB ang mga transport group at cooperative na nagpahayag ng suporta sa programang modernisasyon ng gobyerno, maging ang mga grupong nangakong hindi sila makikilahok sa tigil pasada sa Lunes.

Sa kabila ng napipintong transport strike sa Lunes, tiniyak ng DOTr at ng LTFRB, sa pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng gobyerno kabilang ang MMDA at mga lokal na pamahalaan, na mayroon itong nakaantabay na contingency measures para maibsan ang epekto ng ikinakasang welga sa mga mananakay.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT