BREAKING

Sunday, September 8, 2019

On Manny Pacquiao Going Back to School



Wazzup Pilipinas!

Ano ba talaga gusto ni Pambansang Kamao? Suwapang na tawag diyan. Full-time siya dapat sa Senado dahil buo rin pasweldo sa kanya.

Resign muna siya as Senador, para fulltime siya mag-aral.

Lol. Boxing, Businesses, Basketball, Bible, Bitcoin, etc. ... pagsabay-sabayin nga natin...Pakibilang po attendance niya sa Senado para masagot kung kaya nga niya mag multi-task.

Dahil maraming madaling masilaw sa popularity, nanalo sila Go, Bato, Marcos, Revilla, etc., kahit sandamakmak na di kanais-nais nagawa nila. Filipinos need to be enlightened kaso marami pa ring mangmang sa katotohanan at tamang gawain na dapat suportahan. Nadala na sa mga mabulaklak na salita pero ngayon lalong napariwara dahil sa isang Presudenteng walang alam gawin kundi imali ang lahat ng tama at itama ang lahat ng mali.

Sa isang bansang mababa ang pasahod sa mga teacher at mataas sa pulis at sundalo, alam na kung ano priority ng gobyernong ito. Pero hindi seguridad ng nasasakupan kundi kontrol sa mga magnanais kumontra.

May pakialam ako dahil dapat magising ang aking kababayan sa bangungot na ito. Hindi ako mananahimik kahit ang nakakarami ay nalilinlang.

Dami ko ng inaway na mga taong mali ang ginagawa. Di ako uurong sa mga tulad nilang pinagpipilitan sa aming matitino ang baluktot na paniniwala. May karapatan ang bawat isang kumontra sa isang headline lalo na at karamihan ay publicity lamang. Pwede ka ring kumontra pero huwag mo ilipat ang pansin sa akin. Focus sa topic, huwag "eh ikaw naman ganito eh". That defense is not helping you at all and only proves you are weak. Sayang pagpapalaki natin ng katawan kung mahina naman utak natin.

Nakalimutan na ba natin si Jose Rizal? Nagsusulat din siya noon na ikinasama ng mga kalaban at ipinapatay siya para hindi maimpluwensiyahan ang iba. Pero kinilala siya ng Pilipinas bilang Pambansang Bayani.

Kung puro ako "Yes, master!" eh di lapdog ako. Hindi ako Pambansang Blogger. Hindi po gising ang bayan, binabangungot ang mga tao sa pinaggagawa ng Poon mo at mga kampon niya dito sa Pilipinas. Ibinenta na nga tayo sa China di ba, kahol ka pa rin in favor of them. Hindi perpekto yung mga nakaraang namumuno, pero itong kasalakuyan ang pinaka halang at walang kaluluwa. Hindi lang batas kundi pati salita ng Diyos ay binabaluktot.

Hindi ba kinukutya mismo ang Panginoon. Para sa isang bansang karamihan ay Katoliko, sobrang kasamaan para sa isang tao na alipustain at hindi galangin ang Diyos. Pero dahil nakaupo siya sa pwesto, walang magawa ang mga taong matino.

At dahil maraming pinapasweldong bayaran maging dito sa online at social media, pinapaikot nila isip ng mga tao.

Ano ba trabaho ng Senator?

"The Senate fulfils its role as a check on government by scrutinising bills, delegated legislation, government administration, and government policy in general."

Emphasize natin ang SCRUTINIZE

Pero paano mangyayari kung sipsip sa nakaupo at walang experience sa trabaho. Daig pa sila ng ibang trabaho na need na may years of experience bago matanggap.

Ano naman role ng blogger?

"A blogger primarily creates content, which can be referred to in many ways (blog posts, blog articles, web articles, web copy, content, web content, and blog content). Blogs can be used for personal use, but also for businesses, news, networking, and other professional means."

Emphasize natin CREATES CONTENT

Wala naman sinabing kailangan puro positive, at nabanggit naman na pwedeng PERSONAL USE

Now, ang kagandahan ng pagiging blogger ay unlike other forms of media, most of us are FREELANCERS and INDEPENDENT. Running our own blogs.... which basically means, OUR BLOGS, OUR RULES.

Noone literally breathing behind our backs to dictate what we must do. Noone assigning us to cover events we do not like. Noone forcing us to bow down and always say yes to sponsors or advertisers. In short, our preference is mostly our choice of action.

When we write, especially on our postings on our social media networks, most of them are our own words, not dictated, not scripted, biased to our own perception and understanding of what is RIGHT or WRONG.

So whatever we utter or put into words are ours alone. Everyone can CRITICIZE too since everyone is FREE to point out their OWN OPINIONS.

So RESPECT is highly expected from each other. But when we inject our own insights, huwag dagdagan ng INSULTS.

Kung di mo kayang magpakatao, manahimik ka na lang... Nagpapapansin palagi basta para sa mga kampon ng poon nila. Mga DDS talaga oh! :)

Sensitive masyado, butt-hurt, palibhasa ass-kissers. Wala namang  silang isinasagot na patunay kundi panlalait lang din madalas. Kung totoong kayang-kaya ni Pacman na mag-aral habang ginagampanan ang pagiging Senador, eh di hindi dapat siya pala-absent sa Senado. Mas inuuna niya boksing kaysa pinaka importante niyang responsibilidad.

Pinagtatawanan na ng Pilipinas ang Pambansang Kamao, dahil mas komedyante ang dating kaysa Philippine pride. Mga maling interpretation ng Bible, mga kabobohang pilit pinalalabas ang sarili niya na matalino, mga under the table moves para makakuha ng allies, mga kalakaran sa mga negosyo. Saan ka nakakita ng event na may beneficiary daw ng kita pero sariling foundation niya pala. Kunwari mabait pero sa sarili pala niyang bulsa babalik?

Ang mali ay mababa kasi ang qualification para maging Senador. Kaya puro nagmamarunong karamihan. OK lang mag-aral, magboksing, magbusiness, etc., pero huwag mong gawin habang binabayaran ka ng Pilipinas para maging Senador. Sayang ang buwis namin sa iyo, Manny.

Hindi komo magaling sa boksing, hahayaan na lang lumusot sa ibang kalokohan. Hindi komo tinitingala ng iba, ay ignore na lang ang mga ibang pinagkaka-abalahan.

Di komo sikat ay papayagang kampihan mga kampon ng Poon nilang ikinahihiya ng bawat Pilipinong may diplomasya at kabutihang tao, at walang kaibigang totoo kundi China, si Bong Go, at mga katulad ni FAILdon, Bato at Panelo na kinakampihan at pinakakawalan ang mga drug lords at heinous crimes offenders. Hindi na nga ipinahuhuli si Imelda, pinakawalan pa si Revilla at Estrada, at kung ano-ano pang kalokohang maiiisip mo, ay ginawa na ng gobyernong ito.

Ang mga TEACHER kahit nasa bahay na ay gumagawa pa rin ng trabaho nila like lesson plans, grades, etc. Pero di nila makuhang umabsent dahil kawawa mga estudyante

Ganoon din dapat kapag SENATOR, kasi kawawa naman ang mamamayang umaasa na gagawin nila ng lubusan ang trabaho nila

Yung mga nag-aaral ng MASTERS, DOCTORAL, etc ay sa weekends lang o kaya ay nag le leave at may kapalit o reliever na ibang teacher para di apektado ang pag-aaral ng estudyante.

Si Pacman ba may kapalit habang nag-aaral siya? Kahanga-hanga ang gustong itaas ang kanyang kaalaman, pero may tamang oras dapat diyan na hindi mapapabayaan ang trabaho bilang Senador.

Pustahan, marami pang lalabas sa balita..pero marami ring mga maling gawaing mananatiling natatago at baka di na natin malalaman. Sinimulan na nga sa mga malalaking bilyong budget na walang transparency kung saan ginagamit at gagamitin.

Kawawang Pilipinas. Lalo na yung mga ayaw magising sa katotohanan. Pilit itinutuwid ang baluktot. Pilit may nakikitang positibo sa mga malalang kaso ng katiwalian. Kahit may mga tamang ginagawa, hindi dapat iyon sapat para magpakabulag sa mga kamalian.

Hindi nararapat na ipagdasal na lang natin mga nilalang na ganito. Dahil may awa lang ang Diyos sa mga taong nagawa.

Kailan pa ba tayo kikilos laban sa makamundong administrasyon na ito.

Pasensiya kung palaban ako. Kaya nga di ko maiwan pagiging BLOGGER ay wala akong inaatrasan. Every country needs more like us who are ready to SCRUTINIZE these erring governments.

#WazzupPilipinas #PambansangBlogger #Pacman #AralDawHabangSenador #MagBoksingKaNaLangDahilDoonKaLangMagaling #BibleInterpretationPaMore #LokohinMoLelangMo

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT