BREAKING

Tuesday, May 21, 2019

Stamps Exhibit para sa National Heritage Month Idinaos


Wazzup Pilipinas!

Sa pagdiriwang ng National Heritage Month, ang dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, Tagapangulo ng Akademiang Pilipino, isang grupo ng mga kilalang personalidad sa larangan ng Sining, Kultura at Academya, ay nagbigay ng talumpati upang pormal na buksan ang Heritage Stamp Exhibit na pinamagatang "Mga Selyong Pamana, Imaging the Imagining Womanhood in Stamps" na ginanap sa makasaysayang lobby ng Manila Central Post Office kamakailan.

Bilang isa sa tagapagtanggol sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan sa kanlurang bahagi ng bansa at kilalang tagapagtaguyod ng mga kultural na pamana, iprinesenta ni Morales ang mga selyong tampok sa paggunita ng buwan ng pamana ngayong 2019 na may temang "Women as Heritage Keepers"

Bukod sa mga selyong pamana  ngayong 2019, ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPost), sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Filipino Heritage Festival at Fantastic Philippines, isang grupo ng mga amateur at propesyunal na photographers ay nagpakita ng mga koleksyon ng selyo mula sa mga tanyag na kolektor ng pilateliko.

Makikita sa eksibit ang 22 frames na nagtatampok sa mga selyo na naglalarawan ng mga kababaihang Pilipino. Bukas ito sa publiko mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon na matatapos sa Mayo 30, 2019.

We support the effort of the government to preserve and protect these cultural heritage featured in stamps for the appreciation of the public, ayon kay PHLPost Chairman Norman Fulgencio.

Inanunsyo rin ng PHLPost na sa susunod na taon ay ang simula ng pagpapanumbalik ng kagandahan ng gusali ng Post Office na itinayo bago pa ang World War II. Magkakaroon na rin dito ng museo bilang isang karagdagang atraksyon sa mga lokal at dayuhang turista..

Nag-imprinta ang PHLPost ng Limampong libong (50, 000) kopya ng walong (8) disenyo ng selyo na mabibili sa halagang 12 pesos kada isa. Ang layout ng selyo ay ginawa ni PHLPost In-house graphic designer Victorino Z. Serevo.

Ang selyo at official first day covers  ay maaari ng mabili sa Philatelic Counter, Central Post Office, Liwasang Bonifacio 1000, Manila at area post offices sa buong bansa. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 527-0132.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT