BREAKING

Tuesday, December 12, 2017

DOTr Handa Na Upang Ipatupad Ang PUV Modernization Program Sa Susunod Na Taon


Wazzup Pilipinas!

Handa na ang Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang Public Utility Modernization Program (PUVMP) sa susunod na taon upang masimulan na ang pagbibigay ng mas maayos, ligtas, at environment-friendly na pampublikong transportasyon ang mga commuters.

Tiniyak ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Thomas Orbos na maipapatupad na agad ng DOTr ang PUVMP pagtungtong ng 2018, kung saan sisimula nang gawing makabago at moderno ang mga pamapasaherong jeepney.

Sinabi ni Usec. Orbos na sa loob ng tatlong taong transitory period ay makakaranas na ng magandang pababago ang libo-libong commuter ng jeepney. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Land Transportation Office (LTO) ng makabagong Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagtukoy kung ang mga pampublikong sasakyan sa bansa gaya ng jeepney ay road-worthy o hindi na nararapat ipasada.

Dismayado naman si DOTr Secretary Tugade sa pag-amin ng ilang transport leader sa sa hearing kahapon na “nagpapadulas” o nabibigay sila ng pera o lagay sa mga LTO inspector para lamang makapasa sa MVIS.

Inayunan naman ito ni transport group leader Zeny Maranan ng FEJODAP at nagsabing ito ay hindi dapat ginagawa ng driver at operator dahil lalong malalagay sa peligro ang kaligtasaan at buhay ng mga mananakay. 

“Alam ninyo kung bakit nagkakaproblema? Kasi yung iba sa atin naglalagay! Hindi dapat ginagawa ng mga operator at drivers yan dahil buhay ng mga pasahero ang nakasalalay dito,” ani Maranan.

Ayon naman kay Secretary Tugade, matagal nang nabinbin ang pagpatupad ng PUVMP at ang pobreng mga pasahero ang araw-araw na nagtitiis sa maruming usok na binubuga ng mga lumang jeepney sa tuwing ang mga ito ay pumapasada.

“Madumi na ang kapaligiran dahil sa tumataas na carbon footprint emission, eh bakit ayaw magpalit at mag modernize? Naiintindihan ko kung gusto nating mag-hanapbuhay, ngunit sana naman, ang ating hanapbuhay, huwag kumitil o bumawi ng buhay. Isipin ang nakararami, at huwag lang ang sarili,” dagdag ni Secretary Tugade.

Bukod sa mga opisyales ng DOTr, dumalo din sa pagdinig ng Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Senator Grace Poe, si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra III at iba pang mga transport groups gaya ng FEJODAP, ACTO, LTOP, PISTON at No to Jeepney Phase-out Coalition.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT