Friday, September 8, 2017
Immune Ba Ang VIP Sa Tokhang?
VIP lang ang exempted sa Tokhang.
Kahit pa drug lord, kung maraming pera naman, sa Malacanang pa iimbitahan iyan. Pero kung ikaw ay dukha, malamang patay ka na at sasabihing nanlaban, nakipag-putukan o nang-agaw ng baril.
"Walang kahihitnan ang War on Drugs na iyan. Ang problema ng bansa ay mga gahaman na pulitiko na hinahayaang sa iilan lamang napupunta ang oportunidad at biyaya. Mga inutil na ahensiya ng gobyerno na mas pinapaboran ang mga korporasyon at oligarch.
Mabibilang mo kung sino-sino ang mga natatanging "Anak ng Diyos" dito sa Pilipinas - mga mayayamang pamilya na pag-aari na halos buong bansa.
At ang kakulangan sa edukasyon para matuto ang lahat. Kaya hinahayaang nilang maging mangmang ang mga tao ay para di sila maging mapanuri. Maabutan lang ng kaunting halaga o groceries, akala mo superhero na yung nagbigay.
Kailangang matuto ng tao para malaman kung sino ang tamang taong mamumuno sa atin. Hindi yung kung sino lang ang may kayang gumastos ng milyon-milyon, pero Hindi naman qualified. Walang alam kundi magpa-cute sa camera. Sadyang photo ops lang ang habol para masulat sa dyaryo na namimigay kunwari ng tulong.
Saan pa ba nila babawiin ang kanilang ginastos kundi sa kaban ng bayan. Sino ba naman ang maglalabas ng malaking pera para lang maglingkod eh magagawa naman natin yun kahit wala tayo sa pwesto.
Once na magkaroon ng posisyon sa gobyerno, akala mo VIP na sa lahat ng pagtitipon. Eh di ba public servant sila, so taong bayan dapat ang umupo sa magarbong silya.
Kahit ano pa sabihin nila, may motibong iba ang mga iyan. Lalo na ngayon maraming drama dahil malapit na naman ang eleksyon. Siguradong maraming pasabog na naman tayong mababalitaan."
Ang VIP treatment at hindi dapat napupunta sa mga public servants. Sila dapat ang nagbibigay sa atin ng special tender loving care and attention.
Kapag dumarating tayo, hindi dapat tayo pinaghihintay. Hoy, yung forced tax contribution ko ang nagpapasweldo sa inyo. Ako dapat ang nauunang pinagsisilbihan!
Tanga lang kasi ang peg ng karamihan. Nakakalimutan na tayo dapat ang boss at hindi yung ating binoto.
No comments:
Post a Comment