BREAKING

Tuesday, August 15, 2017

Mga Awit At Tula Sa Wikang Pilipino Sa Byahe sa Metro


Wazzup Pilipinas!

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto!

Isang lupon ng iba ibang grupo sa musika at pagtula ang kasalukuyang nagtatanghal sa loob ng LRT 2 Stations simula noong Agosto 10 hanggang Agosto 31. Layon po nila na tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga tao ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 sa pamamagitan ng libreng pagtatanghal sa wikang Pilipino ng mga awit at tula. Sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng LRTA, sila po ay sumusuporta sa gawain at adhikain ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa buwan na ito.

Ang slogan sa taong ito ay "Filipino Wikang Mapagbago" at naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng pagpapalaganap sa paggamit ng wika sa larangan ng turismo, edukasyon, kultura (kasama na ang musika at tula, hanggang sa media) gayun din pagpapakilala sa talento ng Pilipino. Sa pamamagitan din nito, nais nila maibalik ang interes ng tao sa musikang Pilipino maging sa iba pang uri ng sining na pinakilala ang Pilipinas.

Sila ay nagsimula sa pagtatanghal sa mga kalye nuong Oktubre 2014 kung saan kami po inilathala din ng Interaksyon TV5 at nakapagdaos na din ng isang maliit na konsyerto noon sa People's Park In The Sky sa pahintulot ng Munisipyo ng Tagaytay kung saan sila ay tumugtog ng mga pinasikat na awiting Pilipino at inilathala ng Wazzup Pilipinas at Rappler. Ito ang kanilang unang pagtatanghal na lahat ng awit at tula ay sa ating sariling wika.

Ang mga musikang kanilang aawitin ay mga pinasikat na awit sa wikang Filipino at mga sariling obra sa wikang Filipino ng mga kasamang manunulat. Gayundin din ay kanilang ipapakilala ang mga likhang tula, tulang liham at talumpati sa Wikang Filipino ng ilang kasamahan na naglaan ng panahon para sa gawaing ito. 






Ang detalye ng kanilang gagawin ay nasa Facebook bilang isang event na may pangalang Mga Awit At Tula Sa Wikang Pilipino Sa Byahe sa Metro. Kalakip sa kanilang programa sa bawait istasyon na gagamitin ang imungkahi na tingnan ang website ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mas maraming kaalaman tungkol sa mabuting buwang ito.

Maari nyo ring mapanood ang ilan sa mga naging pagtatanghal ng unang linggo sa pamamagitan ng mga Facebook link. Patuloy naming iniipon ang mga video at larawan para sa gawing ito.


Recto Station - Ate Gem (LRT guard) jam during her breaktime (Bulong)
https://www.facebook.com/melvin.carson/videos/10207742290634109/

Recto Station - Big Time Drama (Sige Na Please)
https://www.facebook.com/MyNameIsAtshara/videos/10210215077478751/

- pinatutugtog na po ito sa radyo

Recto Station - Melvin Carson (Himala pinasikat ng Rivermaya)
https://www.facebook.com/MyNameIsAtshara/videos/10210215391006589/

Paanyaya sa mga tao sa Recto (mula kay Jessie Mendoza)
https://www.facebook.com/MyNameIsAtshara/videos/10210215421447350/

Araneta Center Cubao - Atshara (Tadhana / Tubo) at Anica Kim (Ikaw Ang Puso Ko / Ang Buhay Ko / Ikaw)
https://www.facebook.com/aizelthea.vito/videos/1631727080233918/

- si Anica Kim po ay kilala na sa mga contest, sumali na sa Eat Bulaga at sinasanay ng coach na taga ABS-CBN Talent, featured sa Billboard Philippines sa pagtatanghal sa FILSCAP
- kasama din si Paul Zialcita, ang aquadrummer na sumali sa Wowowin

Santolan Station - Ricky Lazaga/Uds/Antz Aguro (Toyang short jam)
https://www.facebook.com/MyNameIsAtshara/videos/10210212495774210/

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT